1. Waling maling tao, at kahit kailan hindi naging mali na nagmahal tayo. It’s a part of life na kailangan nating tanggapin for us to grow, hindi lang sa aspeto ng pag-ibig pero sa buong pagkatao natin in general. The truth really hurts — kapag nagmahal tayo ng totoo, asahan natin na lahat ng positive at negative things ay mae-encounter natin. But at the end of the day, ‘eto ‘yong masarap na realization — kapag hindi tayo nasaktan, hindi natin malalaman na nagmamahal na pala tayo, ng totoo

  2. I Don’t Wanna Miss A Thing - Anne Curtis ft. Sarah Geronimo

    Annebisyosa: No Other Concert (Smart Araneta Coliseum, 012812)

  3. Before you cheat, understand this:

    Imagine if you were in your partner’s shoes. Imagine how it’d feel to figure out the one you loved so much cheated on you. How easily that trust is thrown out the window. That one person you thought that would spend the rest of your life with, kissing and holding someone else. How many nights you spend crying yourself to sleep. The broken heart you’d feel for a weeks or maybe months.

    Sucks, right? Don’t do anything that you wouldn’t like in return

  4. Puerto Princesa Underground River is now officially confirmed as one of the New Seven Wonders of Nature.
Read More »

    Puerto Princesa Underground River is now officially confirmed as one of the New Seven Wonders of Nature.

    Read More »

  5. Ellen DeGeneres’ tweet:
‘I’ve learned 2 things about TV. It’s always easier with Vodka & some of the best singers are from the Philippines.’

    Ellen DeGeneres’ tweet:

    ‘I’ve learned 2 things about TV. It’s always easier with Vodka & some of the best singers are from the Philippines.’

  6. Kapag nagmahal ka, kalahati lang ng puso mo ang ‘yong ibigay. ‘Yong kalahati, hayaan mong paghirapan niyang makuha. 

  7. Ayoko nang magkagusto pa ulit sa isang kaibigan, o sa isang bagong kaibigan. Kung hindi man kaibigan, ‘yon bang taong bagong pasok lang sa buhay ko. Ang hirap, sa totoo lang. Oo nga’t alam nating lahat na ito ang pinakamasarap at pinakamasasabing dapat, ang magkagusto’t mahalin ang isang kaibigan, pero ito rin ang pinakamasakit sa lahat. Ang pag-ibig pa naman, mahirap pigilan. Mahirap itago, mahirap ikubli. Lalo pa’t sa mismong kaibigan mo ito mararamdaman. Taong palagi andyan, palagi mong nakakausap, palagi mong nakikita, palagi mong kasama. Kaya ang isang simpleng pagtingin lang at pagkagusto, sa paglipas ng araw, nagiging malalim, nagiging seryoso. Ako pa naman ‘yong taong madaling ma-fall, madaling ma-in love. Kaya ‘yon, sa bandang huli, palaging luhaan, palaging nasasaktan. Pero hindi ko rin naman masisisi ang sarili ko, kung palagi man akong nagkakagusto sa mga kaibigan ko. Saan nga ba nagsisimula ang isang magandang pagsasama, sa pagiging magkaibigan muna, hindi ba?

    ‘Rain, pigilan mo. Bawal kang magkagusto sa kanya, okay?’, mga salitang palagi kong sinasabi sa sarili ko sa tuwing mararamdaman kong nahuhulog na naman ang damdamin ko para sa isang kaibigan. Hindi naman sa ayaw ko, sabihin na nating, alam ko lang ang mga limitasyon at kung hanggang saan lang dapat talaga. Palagi nilang sinasabi na kung magkakagusto ka sa isang tao, sa isang kaibigan na siguro ang pinakadapat, minsan nga sinasabi pa nila na sa sarili mong bestfriend, hindi ba? Oo nga naman, kapag kaibigan mo kasi, kilala mo na at kilala ka na rin niya. You’re just going to go a notch higher kung ano mang relasyon ang mayroon kayo ngayon. Pero kahit ito man ang pinakadapat, ito pa rin ang masasabi kong pinakamasakit. Sabihin na nating, sadyang may mga bagay lang na mahirap lang maibalik sa dati. Andyan ‘yong ilangan, ‘yong iwasan, ‘yong mga simpleng awkward moments na maaaring magkaroon sa pagitan ninyong dalawa. Pero naisip ko, oo nga pala’t friends kayo. Kung talagang kaibigan ka niya, maiintindihan ka naman siguro niya, hindi ba? Feelings ‘yon, mahirap balewalain, mahirap pigilan. 

    Pero kahit anong pagpapaalala ko sa sarili kong, ayaw ko nang magkagusto pa sa mga kaibigan ko, wala naman akong magawa. Pag-ibig na siguro ang emosyong kahit anong pigil ang gawin mo, sa bandang huli, ikaw pa rin ang talo. It’ll eat you up, leaving you defenseless. Kaya ko nga nasabing pinakamasakit, hindi ba? Kahit ayaw mo, hahayaan mo na lang. Pwedeng itago, pwedeng sarilinin. Pero, wala rin naman kasing lihim na hindi nabubunyag, gaya nga ng palagi nilang sinasabi sa’tin. Ano’t ano ba ay malalaman rin niya ang totoo, na may nararamdaman ka para sa kanya. Sa oras na mangyari ‘yon, handa ka nga ba talaga sa reaksyon niya? Pagod na at nagsasawa na akong marinig ang mga salitang, ‘Rain, magkaibigan lang talaga tayo.’ Kaya masisisi niyo ba ako kung ayawan ko man ang pakiramdam na ito para sa mga kaibigan ko? Pero naisip ko, paano nga kung gusto niya rin pala ako? Na ‘yong inaayawang kong pakiramdam, ay ‘yon pa pala ang pwede bumuo sa’kin at kumumpleto. Na sana pala, naging matapang ako at sinubukan ko. Oo nga’t minsan, mahirap na talagang mahulog para sa isang kaibigan. Gayunpaman, masasabi kong hindi naman masama kung susubukan mo. Kaibigan mo siya, kahit ano pa mang feelings ang maramdaman mo, hindi ba’t nag-promise kayo sa isa’t isa na, ‘Count on me through thick and thin, a friendship that will never end…’, gaya nga ng sabi sa isang kanta.

  8. Kung talagang mahal ka niya, dapat hindi ka na niya balikan. Kasi sa simula palang, dapat hindi ka na niya iniwan

  9. ‘Ano pa bang kulang?’, tanong ko ito sa sarili ko sa totoo lang. Ano pa nga bang kulang, kung alam ko namang ibinigay ko na ang lahat? Saan nga ba ako nagkulang? Saan nga ba ako nagkamali? Saan nga ba ako hindi naging sapat? Lahat naman tayo, dumadating sa puntong halos ang baba-baba na ng tingin natin, sa mga sarili natin. Lalo na, pagdating sa aspeto ng pag-ibig. Magkakagusto ka sa isang tao, gagawin mo ang lahat para lang magustuhan ka rin niya pabalik, pero sa bandang huli, lahat ng ginawa mo ay mapupunta pa rin lang sa wala. Minsan naman, kapag kayo na o nasa isang relasyon ka na, ‘yon bang ginagawa mo ang lahat para sa taong mahal mo, ibinibigay mo na pati ang buhay mo, pero bakit minsan, para sa kanya, hindi pa rin ‘yon sapat? ‘Yon bang kulang pa rin. Minsan iniisip ko, ano nga ba talagang mali? May pagkukulang nga ba talaga ako o sadyang may mga tao lang talagang hindi makuntento?

    ‘Ano pa bang kulang?’, mga salitang maaari nating itanong sa isang tao sa oras na mapagdesisyunan niyang umalis sa buhay mo. Tanong na maitatanong mo sa sarili mo sa oras na iwanan ka ng mga taong itinuturing mong mahalaga para sa’yo. Pero bakit nga ba minsan, umaalis pa rin sila kahit alam mo naman sa sarili mong hindi ka naman nagkulang at halos ibinigay mo naman na ang lahat sa kanila, hindi ba? ‘We can’t please everyone.’, gaya nga ng sinasabi nila. Maaaring ang sapat na para sa’yo ay kulang pa rin para sa kanila. Katulad na lang pagdating sa pagbibigay ng pagmamahal mo para sa isang tao o mismong ikaw bilang tao. Oo, alam naman natin na hindi pwedeng turuan ang puso na magmahal, at hindi rin naman natin sila mapipilit na mahalin nila tayo pabalik. Pero kung alam mo namang ginawa mo na ang lahat at sa bandang huli ay hindi ka pa rin kayang mahalin, hindi naman siguro masama kung maitanong mo sa sarili mong, ‘Ano pa bang kulang?’ Gaya rin naman sa isang pagsasama o sa dalawang taong nagmamahalan na talaga, hindi mo rin naman siguro mapipigilang itanong ito. Na kahit na sa likod ng lahat ng ginagawa at ibinibigay mo, ay nakuha pa rin niyang iwan ka at maghanap ng iba. Hindi ba’t sa mga oras na ‘yon, tanging ito na lang ang masasabi mo sa sarili mo kapag mag-isa ka na?

    ‘Ano pa bang kulang?’, ano nga ba talaga? Isang tanong na kahit ikaw o kahit siya mismo ay hindi rin naman masasagot, hindi ba? Ang masakit lang minsan ay ‘yong masaya kayo ngayon tapos bukas, biglang nag-iba na. Nakakababa lang bilang tao kapag nalaman mong hindi ka pa rin pala sapat para sa kanya. Na ang daming kulang pa rin sa’yo at nahanap pa niya ‘yon sa iba. Minsan talaga, unfair ang mundo. Hindi mo naman kasi pwedeng taglayin lahat ang hinahanap at gusto ng isang tao. Pero hindi naman kasi ganun ang tunay na nagmamahal, hindi ba? Marami ka mang pagkukulang, may mga katangian mang wala sa’yo na meron sa iba, kung talagang mahal ka niya, matututo siyang makuntento dahil sa ikaw naman talaga ang minahal niya. Ang mahirap lang talaga minsan ay ‘yong sa oras na matukso tayo, ‘yong hindi tayo marunong makuntento, ‘yong makahanap tayo ng butas sa isang tao at mahanap natin ‘yon sa ibang tao. Ang sa’kin lang naman, marami man akong pagkukulang, hindi man ako kumpleto, pero hindi ba’t ikaw, ‘yong taong magmamahal sa’kin ang dapat na bumuo sa pagkatao ko? At ako, ‘yong taong nagmamahal sa’yo, ‘yong dapat bumuo rin at sayo’y kumupleto. Hindi ba’t sa ganung paraan, hindi na natin kailangan pang hanapin kung ano nga ba talaga ang kulang?

  10. Bago ka magmahal ng iba, mahalin mo muna ang sarili mo. ‘Yan na lang ang mayroon ka, kapag iniwan ka na nila.

Profile Picture

Rain Malicsi
24 Years Old
Registered Nurse
Teacher

This blog is a caboodle of the daily ramblings of a young boy and a grown man from Caloocan City, Philippines. This is going to be my safe haven, a newfangled place where I can find peace and calmness. An abode for my undisturbed thoughts, serene thinking and tranquil ideas.
Click --> About Me

bloglovin



Free counters!

Personal - Top Blogs Philippines