Pira-piraso na ako. At dahil d’on, naghahanap ako ng isang taong handang bumuo ulit sa’kin. Oo, may darating. Pero imbes na buuin ako, dumating lang siya para mas durugin p’ako.
Ang hirap ma-in love sa isang kaibigan ‘no? Pero naisip ko, hindi naman ‘yong pagiging ‘In love’ mo sa kanya ang mahirap na phase doon. Kundi ‘yong puntong gusto mong kalimutan ang nararamdaman mo dahil sa mas gusto mong i-treasure ang pagkakaibigan niyo. Minsan, hindi naman talaga natin maiiwasan ang ma-fall sa isang kaibigan. Kung tutuusin nga, maraming nangyayaring ganito, nai-in love siya sa kaibigan niya. May mga moments din na hindi lang sa isang simpleng kaibigan tayo nagkakagusto, paano kaya kung sa mismong bestfriend mo? Gaya nga ng palaging sinasabi nila, na kung magkakagusto ka man, pinakamaganda na siguro ay sa bestfriend mo. Oo nga naman, tama nga naman sila. Ang bestfriend naman kasi, more than friends pero less than lovers, hindi ba? Kungbaga, isang hakbang na lang, ‘yon na ‘yon.
Pero ang pinakapunto ko sa sulat kong ito ay kapag dumating ka sa oras na, oo nga’t nararamdaman mong nagkakagusto ka na sa kaibigan mo pero ayaw mo siyang mawala kasi mas mahalaga sa inyo ang pagkakaibigan niyo. Minsan tayo ‘yong tipong pinapahalagahan at kuntento na sa kung anong meron, kesa naman sa mag-take ng risk at mag-suffer pa ang friendship na meron kayo. Ang problema nga lang sa ganito, mas mahirap na gawin ‘yon kesa sa ma-in love ka lang sa kaibigan mo. Mahirap pigilan ang totoong nararamdaman lalo pa’t kaibigan mo, kasama mo at karamay mo sa bawat araw ng buhay mo. ‘Yon bang ayan lang siya, halos abot-kamay mo na. Ilang beses ko nang naranasan ‘to, na halos araw-araw na lang ata nangyayari sa’kin ito. Ang hirap magpigil ng nararamdaman, sa totoo lang. Pero kung ayaw mo talaga siyang mawala, siguro ‘yon din naman ang gagawin mo. Mapapasabi ka na lang sa sarili mo, ‘Mas okay na ‘yong ganito, kesa naman sa mawala pa siya.’ Hanggang sa ayun, isang malaking sakripisyo ang bawat araw para sa’yo dahil sa pagpipigil mo sa totoong nararamdaman mo.
Isa sa mga nakakasira ng pagkakaibigan ay kapag dumating ka na sa puntong may maramdaman kang higit pa sa kaibigan. May mga iba sa’tin na matapang na harapin at ipagtapat ang katotohanan. May iba naman na masaya na at itatago na lang nila sa sarili nila ang nararamdaman nila. Kung ako ang tatanungin niyo, I swing both sides. Minsan, hinaharap ko at ipinagtatapat ko ang katotohanan. Minsan rin naman, ako ‘yong tipong itinatago ko na lang. Depende naman rin ‘yon sa tao. Kapag alam kong siya ‘yong tipong hindi makitid ang utak at bukas ang isipan sa mga bagay-bagay, magiging matapang akong sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Pero kapag siya ‘yong kaibigan kong medyo pakiramdam ko ay may tendency na umiwas o lumayo, hahayaan kong sa’kin na lang ‘yon. Itatago ko na lang at pipilitin kong kalimutan ang nararamdaman ko, sa kadahilanang mas mahalaga siya bilang kaibigan para sa’kin. Lahat talaga gagawin natin ‘wag lang mawala ‘yong taong mahalaga sa’tin. Na kahit sarili nating kaligayahan, kakalimutan natin ‘wag lang siyang lumayo o mawala. Pero naisip ko lang, na kaya lang natin ginagawa minsan ang ganito, ang pigilan ang nararamdaman natin para lang mai-treasure ang pagkakaibigan niyo ay dahil sa alam mo sa sarili mo na mas pinipili mo lang ang isang relasyon kung saan kayo magtatagal talaga. Na kahit hindi man kayo, andyan pa rin siya, nasa tabi mo.
TAGGED AS: rain rants Ang hirap talagang ma-in love sa isang kaibigan 'no?
2011 is really a great year for me, and a special one too. Sobrang daming nangyari, sobrang daming nakilala. May mga umalis at syempre, mayroon din namang mga dumating. Ups, downs, triumphs and sorrows. Indeed, it is a rollercoaster year for me. Pero kahit ganun, wala akong regrets, ‘cause this made me a better person. Also, 2011 was a crazy year for me. Wow, just wow. And if we’re all going to die this 2012, I can say that I’m ready. Just kidding. 2012 na pala ‘no? Oh well. Ibig sabihin rin ‘nun, I’m going to be 25 years old na. 2012, a silver year for me.
I’ll share to you some of my 2011 highlights in bullets:
- Cebu 2011.
- FEU - NRMF Institutional Sportsfest (Volleyball). 1st Runner-Up and hailed as the season’s Best Server and Receiver.
- A4Kada.
- Samar 2011 with bagyong Bebeng.
- Back to school.
- Comprehensive exam.
- I passed my Comprehensive exam.
- My 24th birthday.
- Oral thesis defense.
- Graduation 2011.
Meet ups:
- White Day 2011.
- EK Meet up 2011.
- ID Meet up 2011.
- HP Meet up 2011.
- MOA Meet up 2011.
- TU Meet up 2011.
Ano pa nga ba?
- Nagmahal, nasaktan.
- Moved on.
- Nagmahal ulit.
- Almost a hundred+ blogs.
- Unbelievable Tumblr status.
- Met awesome friends.
- Gimiks, hangouts, tambays here and there.
- Overnights.
- Jobless for 8 months (April-December 2011).
- It’s a cycle actually.
- And the list just goes on and on and on.
- If you know what I mean.
Message:
- Para sa mga friends ko sa Tumblrkada (and some Pakye and Hipsturr~ friends), 3 years na tayong nagce-celebrate ng new year. I do hope na sana, marami pang taon na tayo ay magkakasama. Nami-miss ko na kayo, alam niyo ‘yan. And love na love ko kayo. Iba pa rin talaga ang original. See y’all this 2012, okay?
- For A4Kada, especially to Rhadz, THANK YOU. Salamat kasi naging meaningful talaga ang 2011 ko dahil sa inyo. Ngayong taon ko kayo halos lahat nakilala. More years to come for us, okay? Masasabi kong isa kayo sa highlight talaga ng 2011 ko. See y’all sa anniversary natin.
- Swag4: Liam, Maica And Blair plus Beben. My dear bestfriends. Thanks for making my 2011 meaningful and memorable. Alam niyo naman kung gaano ko kayo kamahal hindi ba? I love you, always and FOURever.
- Syempre, ang Shingerkada. Hindi ko na kayo iisa-isahin pa, ha? Kilala niyo na mga sarili niyo. Thank you. Thank you kasi, nakilala ko kayo. Mga taong akala kong hindi ko magiging kaibigan pero higit pa doon ang nakuha ko. Mahal na mahal ko kayo.
- Mga espesyal na taong dumating sa buhay ko ngayong 2011, mga naging kaibigan na ang turingan ay higit pa sa kaibigan (Pepe, Ej, Kyle, Peejay, Cris, Robert, Jimmy, Kurt, Paolo, Kenn, Marjan, Dj, James, Pierre, Vin, Ced, Cy, Alexx, Khye, Renz, Poy, Matt, Yugel, Pabee, etc. ‘Wag magtampo ang mga hindi nabanggit.). Hindi ko man kayo maisa-isa, alam kong kilala niyo na ang mga sarili niyo. Salamat dahil binuo at kinumpleto niyo ang taon ko. Mahal ko kayo.
- And for you Kris, thank you. Thanks for coming into my life this 2011. 2012, ha? Yes?
Hindi ko na pinahaba ‘yong mga sasabihin ko, basta MAHAL KO KAYO AND THANK YOU. Salubungin natin ang 2012 ng may saya at sama-sama, okay?
HAPPY NEW YEAR! HAPPY 2012!
- Always, Rain.
TAGGED AS: Happy New Year! Bye 2011 Hello 2012! Year ender blog. rain rants
Bakit ka magtitiis sa isang taong alam mong sakit lang ng ulo mo? Sino bang may sabing hindi madaling makahanap ng kapalit? Kahit ibon nga marunong maghanap ng bagong pugad, tao pa kaya?
Bakit nga ba minsan, may mga bagay o tao na kahit nasa harapan mo na, hindi mo pa rin makuha? ‘Yon bang aabutin mo na lang, kukunin mo na lang para mapasa’yo, pero hindi mo pa rin magawa. Na para bang may isang puwersang pumipigil sa’yo para gawin ito. Sadyang madaya talaga minsan ang mundo hindi ba? Sabi nga nila, ‘Life is unfair.’ Paano ba naman, lahat na ginawa mo, lahat na ibinigay mo, pero sa bandang huli, hindi pa rin pala ito ang nararapat talaga para sa’yo. Andyan ‘yong halos i-asa mo na ang lahat sa kanya, o ‘yon bang ibuhos mo na lahat ng oras at panahon mo para sa taong ‘yon, pero sadyang hindi talaga siya ang para sa’yo. Hindi ba’t may ganito tayong ugali, ‘yong pakiramdam natin, ‘Siya’ na. Pero malalaman mo na lang na, hindi pa rin pala. Nakakadismaya, nakakapanghinayang, sayang.
Sa sitwasyon ko, oo, halos abot-kamay ko na ang taong ito. Hindi nga lang siya nasa harap ko, nasa gilid at nasa likod ko pa. Pero sa sitwasyon kong ito, ako ‘yong may problema. Hindi ko kasi siya nakita. 2 taon akong naging bulag sa katotohanang, may tao na palang nagmamahal sa’kin ng tunay, pero ‘eto ako, sa malayo pa rin nakatingin. Sa iba pa rin nakabaling ang aking paningin. Ang tagal ko palang nagpakatanga, ang tagal kong naging gago sa katotohanang, bakit ko pa kinailangang maghanap ng iba, samantalang kung tutuusin, matagal ko na pala siyang nahanap at kasama. Sa puntong ‘yon, siya ‘yong nasa sitwasyon sa tinutukoy ko sa sulat na ito. ‘Yong bakit nga ba minsan, may mga taong nasa harap mo na, pero hindi mo pa rin makuha. Siguro, alam din naman niya talaga na sa mga oras na ‘yon, hindi lahat ng gusto mo ay pwede mong makuha. Natiis niya ‘yon, sinubukan niyang maghintay. Pero lahat naman natatapos, lahat ng tao napapagod. Lahat nagsasawa, lahat nagbabago. Hanggang sa dumating na sa puntong kinatatakutan ko, ‘yong oras na ma-realize kong kailangan at mahal ko pala talaga, nasaan na nga ba siya?
Sa mga oras na ‘to, masasabi kong baliktad na ang sitwasyon. Siya naman ‘yong nasa harapan ko, at siya naman ‘yong hindi ko na makuha. Ang masakit pa dito, nakikita ko na siyang nakangiti at masaya sa piling ng iba. Ako na ang nakakaranas ng isang sitwasyong minsan kong ipinaramdam sa kanya. Kung pwede nga lang ibalik at ulitin ang nakaraan, mga hiling kong alam kong hindi naman pwedeng mangyari at matupad. Oo, sa loob ng 2 taon, ngayon lang ako naging sigurado sa nararamdaman ko para sa kanya, ngayon lang. Ngayon, kung kailan alam kong huli na ang lahat. Sadyang mabilis talaga ang karma, at sadyang madaya nga talaga ang mundo at ang pag-ibig. Naisip ko, hangga’t sa naririyan pa ang isang tao, at kung alam mo naman sa sarili mo kung ano talaga ang tunay mong nararamdaman para sa kanya, gawin mo ang lahat para lang makuha at mapasa’yo siya. Oo, talagang may mga bagay at tao na kahit alam mong nasa harapan mo at abot-kamay mo na, sadyang minsan ay hindi mo pa rin talaga ito makukuha. Pero hindi mo ba naisip na kahit hindi mo man siya makuha, ano ba naman ‘yong kahit papaano may ginawa ka para patunayan mong mahal mo siya hindi ba?
TAGGED AS: rain rants Bakit nga ba may mga bagay na kahit nasa harapan mo na hindi mo pa rin ito makuha?
‘Wag mong sabihin na, ‘Sana hindi ko na lang siya nakilala.’ Tandaan mo, minsan ka rin naman niyang pinasaya.
17. Never assume that someone likes you by their sweetness. Sometimes, you are just an option when they are bored.
Apat na taon na akong single, siguro naman, deserving naman akong magmahal at mahalin pabalik na ulit hindi ba? Apat na taon ko nang ipinahinga ang puso at utak ko, pero kahit ganun man, sa loob ng apat na tao na ‘yon, sinubukan ko pa rin namang magmahal at mahalin rin pabalik. Kaya lang, hindi ko alam kung bakit kahit ilang beses kong mang subukan, sadyang may mga bagay talagang hindi para sa’kin. Maaaring hindi tama ang oras, hindi tama ang lugar, hindi tama ang panahon, ‘Pero kailan nga ba pwedeng maging tama ang lahat?’ Tanong na palagi kong itinatanong sa aking sarili. Minsan, may isang taong nakapagsabi na sa’kin, na lahat ng bagay ay may dahilan kaya nangyayari ito. Siguro nga tama siya, kaya siguro hindi pwede sa ngayon kasi may tamang panahong nakalaan para sa’ming dalawa. Pero sino nga bang nakakaalam hindi ba? Oo, hindi nga pwede sa ngayon, pero kailan?
Sa loob ng apat na taon, na kahit sabihin ko sa inyong ipinahinga ko ang puso ko na magmahal, kasabay pa rin noon ang palagi kong paghiling na sana ipagkaloob na ‘Siya’ sa’kin. Na sana dumating na siya. Na sana, mahanap na niya ako at mahanap ko na rin siya. Oo, sabihin na nating may mga mangilan-ngilang dumating at inakala kong sila na, pero sa bandang huli, hindi pa rin pala. Ganun naman talaga minsan, ‘yong mga inaakala mong mga taong kukumpleto na pala sa’yo, maaaring sila pa pala ‘yong taong sisira, babasag at iiwan kang durog at pira-piraso. ‘Yon bang akala mong kukumpletuhin ka na, pero ang ginawa lang nila ay mas ginawang kulang ka. Tapos the search just goes on and on, tuloy ka pa rin sa paghahanap sa kanya. Oo, sabi nila, ‘wag mo itong hintayin, pero ang paniniwala ko naman kasi, kahit papaano, kailangan ka pa ring may gawin. Sa totoo lang, mas nakakapagod pa nga ang maghintay kesa sa may ginagawa ka hindi ba? Nakakapagod maghintay sa isang tao o bagay na hindi mo alam kung kailan darating. Samantala, kung may gagawin ka para dumating ito, hindi ba’t mas mabuti ‘yong ganun? Kasi nakakasigurado kang may mapapala ka, o ‘yong bang sa bandang huli ay may makukuha ka.
Oo, apat na taon na akong single. Masaya ba ako? Oo naman, masaya naman talagang maging single. Pero kahit ganun, may isang bahagi pa rin sa’kin na nagsasabing, ‘Kulang ka pa rin Rain.’ At kapag naririnig ko ‘yon, hindi ko maiwasang malungkot ako kahit papaano. Na oo nga ‘no, pwede pa pala talaga akong maging mas masaya. Kaya lang sa loob ng apat na taon na ‘yon, parang wala akong ginawa para maramdaman ko man lang ‘yon. Na pinili ko lang na maging masaya ako kesa sa piliin ko na maging mas masaya ako, kahit alam kong libre naman ‘yon at wala namang pumipigil sa’kin na gawin ‘yon. Siguro nga, it’s a matter of choices lang naman talaga. Ikaw ang gagawa at magdedesisyon ng mga bagay na mangyayari sa’yo at sa buhay mo. Wala namang mali sa mga pipiliin mong mangyari sa buhay mo, pero don’t settle sa alam mong ‘Okay lang’. Minsan kasi, may mas deserving pa para sa’yo, hindi mo lang ‘yon pinili kasi you were too busy focusing sa ibang bagay kaya tuloy, may mga mas importante kang bagay na nakakaligtaan.
Oo, minsan iniisip ko at hinihiling ko na sana ako naman ‘yong piliin, na ako naman ‘yong gustuhin at mahalin. Kaya lang, hindi naman ganun kadali ‘yon. May tamang oras para sa lahat ng bagay at kung kailan ‘yong akin? Mangyayari lang ‘yon sa tamang dahilan at sa tamang panahon.
TAGGED AS: rain rants Lahat ng bagay ay may dahilan kaya nangyayari ito.
Ampon na ako ng family ni Ephraim. Magkakadiabetes kami mamaya dahil sa chocolates from Germany. BWAHAHAHA* You jelly, bitch? Charaught.
Merry Christmas! (:
KRISTOFFERAWR, KIDNAPPED. Lol.
(Source: kristofferawr)
Minsan, hindi rin naman talaga ginusto ng mga taong mahal natin na saktan tayo. Hindi naman nila sinasadyang iwan tayo para sa bagong dumating. Minsan, kailangan din nating tanggapin na sa paniniwala nila, mas mahal nila ‘yon. Ganun lang naman talaga, doon sila kung saan sila masaya. Ganun din naman siguro ang gagawin natin kung tayo ang nasa sitwasyon hindi ba? Lahat tayo mararanasang agawin, mang-agaw at maagawan. Pana-panahon lang ‘yan.
Indeed, it is a Merry Christmas today here in our home. Kaninang umaga, dumating ‘yong Balikbayan box from my Tita na nasa Germany. Funny thing is, nasakto talagang Christmas dumating. So medyo mapupuno na naman ‘yong cupboards namin. Tita is complaining na nga ‘cause, hindi na niya alam kung saan ilalagay ‘yong mga plates, glasses, mugs, saucers, etc. Tapos may pans, jackets, make ups, shoes and other stuff na hindi naman para sa’kin. Actually, wala akong anything na magagamit ko na nakalagay sa Balikbayan box. Sad, right? But you know what? The chocolates, NUTELLA, Pringles, Nesquik and all the other food is mine. Hello Diabetes~ Hindi pa complete ‘yong nasa picture kasi wala kaming mapalagyan. Sobrang dami niyan, sa totoo lang. ‘Yong fridge namin, kung makakapagsalita lang siya, sasabihin niya, ‘Rain, sasabog na ako.’ Lol.





