This blog is a caboodle of the daily ramblings of a young boy and a grown man from Caloocan City, Philippines. This is going to be my safe haven, a newfangled place where I can find peace and calmness. An abode for my undisturbed thoughts, serene thinking and tranquil ideas.
Talaga palang gagawin natin ang lahat para sa taong mahal natin, ‘no? ‘Yong ultimo kahit maliliit na bagay, basta alam nating pwedeng makapagpasaya sa kanya, hindi na tayo magdadalawang isip pa. Syempre, mahal mo. As simple as that. Pero minsan, hindi natin namamalayan na sumusobra na pala tayo. Sabi nga nila, ‘Lahat ng sobra, masama.’ ‘Yon bang, nagbibigay na tayo sa mas higit pa sa mga dapat nating ibinibigay lang talaga. To the point na, wala na tayong itinitira para sa mga sarili natin. Hindi ko rin naman talaga masisisi ang ibang tao. Mahal nila, kaya gagawin at ibibigay nila ang lahat, wala mang matira para sa kanila. Kung ako ang tatanungin niyo, I always look at my self first. ‘Kaya ko ba talagang wala sa’kin ito?’, at kung masagot ko man ang tanong na ‘yon nang ‘Kaya ko.’, saka ko ibibigay ito. Hindi naman sa pagiging makasarili, pero minsan, mas mabuti na rin naman na unahin mong isipin at bigyan ang sarili mo. Hindi ba’t sa oras na wala kang matakbuhan, it’s all up to you. Sarili mo lang ang tanging maaasahan mo, ang kakampi mo. Hindi masamang magbigay o ang ibigay ang lahat-lahat sa isang tao, basta siguraduhin mong sa oras na wala na siya sa tabi mo, ay kakayanin mo.
‘Love is giving someone a portion of your heart.’ Oo, hindi buo kundi parte lang nito. Kung magmamahal ka ng isang tao, ibigay mo ang isang parte o bahagi lang ng puso mo sa kanya. Masasabi kong hindi labis ito, at hindi rin kulang. Kungbaga, sapat lang. Hindi ko naman masasabi na nagiging less na ang pagmamahal mo para sa kanya kung parte lang ng puso mo ang ialay mo, hindi ba? Sa lahat daw ng bagay na gagawin mo, give all your best. Your 100%, hindi 101%. ‘Yong sa abot lang ng makakaya mo, hanggang sa maabot mo ‘yong tuktok. It’s not your fault kung para sa kanya ay hindi pa rin sapat ‘yon, basta ang alam mo sa sarili mo, ay ibinigay mo ang sapat at nararapat na pagmamahal na kaya mo. Sadyang may mga taong hindi lang talaga marunong makuntento, na para sa kanila, palaging may kulang. Na hindi kumpleto. Kaya dapat bahagi lang ng puso natin ang ibigay natin. Para sa oras na masaktan man tayo, kahit papaano’y halos buo pa rin ito. In loving someone, we should always give our best but give that person a small space in our heart. Mahalin mo ‘yong tao pero ‘wag siya ang gawin mong mundo. Tandaan mo pa rin na maliban sa kanya, maraming tao pa rin ang nakapaligid sa’yo at karapat-dapat ding magkaroon ng lugar sa puso mo.
Nakakainis lang isipin na kahit alam mong ginagawa at ibinibigay mo na ang lahat, bakit minsan ay hindi pa rin ito sapat? Alam mong hindi ka naman nagkulang, alam mong minahal mo naman siya ng totoo, pero bakit hindi pa rin siya makuntento? Ang dami sa’ting nasasaktan nang dahil sa ganitong sitwasyon. Ibinigay mo na nga ang lahat, sobra-sobra pa sa dapat, pero may mga tao pa ring nakuha pang hanapan ka ng pagkukulang at maghanap ng ibang pwedeng pupuno ng kakulangang nakita niya sa’yo. Sa lahat ng gagawin natin, ibigay natin ang best natin. Pero kasabay ‘nun, lagyan din natin ito ng limits o ng boundaries. Kaya ako, palaging nasa isip ko na sa tuwing magmamahal ako ng isang tao, bahagi lang ng puso ko ang ibibigay ko. Hindi kulang, hindi rin sobra. ‘Yon bang sisiguraduhin ko na ang bahaging ‘yon ay sapat na para maramdaman niyang mahal na mahal ko siya. Hindi naman ibig sabihin na kahit maliit ang isang bagay ay hindi na ito kumpleto, hindi ba? ‘Wag tayong maghangad ng sobra sa kayang ibigay sa’tin ng mga taong mahal natin at ibigay din natin pabalik ang pagmamahal na alam nating nararapat para sa kanila. Oo, kaya nating gawin ang lahat para sa taong mahal natin. Pero siguraduhin din natin na hindi ito lalabis o magkukulang sa dapat na pagmamahal na ibinibigay natin.
Bakit ganun? Mahal mo ‘yong tao, pero hindi ka naman niya mahal? Tapos, may taong nagmamahal naman sa’yo, pero hindi mo naman siya gustong mahalin. Siguro, ganun lang talaga ang pag-ibig, madalas unfair.
Bakit ka magpaparamdam sa isang taong hindi marunong makaramdam? At ‘wag kang magpakatanga sa isang taong hindi marunong magpahalaga. Matuto ka rin namang sumuko at mang-iwan. Kung lagi ka namang sinasaktan, imbes na magtanong ka ng ‘Hindi pa ba sapat?’ at ‘Ano pa ba ang kulang?’, bakit hindi mo na lang kalimutan ang lahat?
Kung alam mong binabalewala ka na, tanggapin mong nagsasawa na siya. ‘Wag kang magpadala sa mga salitang ‘Sorry.’ at ‘Ayokong mawala ka.’, kasi kung totoo ‘yon, papatunayan niya.
Coming soon to a theater near you: Bob Ong’s “Lumayo ka nga sa akin”.
Fans of Bob Ong, rejoice! His latest novel, “Lumayo Ka Nga Sa Akin,” is about to get made into a movie. Just don’t expect the bestselling author to come out and acknowledge the applause. True to his mystique of anonymity, only his publisher showed up to sign the contract with the producer.
Nobody knows who Bob Ong is. That is not his real name. His identity is a tightly guarded secret at his publishing house, Visprint. The guessing game is part of his growing legend as possibly the most successful Filipino author today.
“Lumayo Ka Nga Sa Akin” came out just last December, and instantly came to the attention of Viva Entertainment. Pre-production is already in progress for “Lumayo Ka Nga Sa Akin,” a satirical look at commercial filmmaking with three different stories rendered in screenplay form.
“I have doubts about the suitability of ‘Lumayo Ka Nga Sa Akin’ for a feature film,” he noted in his first email to Viva. “It could be tricky, and much of the humor could be lost in translation. I don’t see it as a movie at the moment. But if you have a vision and a team which is up to the challenge, I’d be glad to let my publisher discuss the possibilities with you.”
For the past few years, Viva has been trying to start a specialty division that will house fresh, forward-thinking, out-of-the-box films. The perfect material has eluded the company until he read Ong’s 9th novel.
“‘Lumayo’ is what we have been looking for,” Del Rosario said. “It’s the kind of non-formulaic film with commercial appeal that we want our new division, Sunshine Films, to carry.”
Viva has tapped Mark Meily, award-winning writer and director of acclaimed comedies ‘Crying Ladies’ and ‘La Visa Loca’ and the historical film ‘Baler,’ to lead the project.
The choice has received Ong’s approval.
“I’d like to express my confidence in Mr. Mark Meily,” he wrote. “While I cannot tell which director might be best suited for this, I am comforted that Viva didn’t pick a bad one.”
“Lumayo Ka Nga Sa Akin” will hit cinemas later this year.
Ang hirap pala talagang magkagusto sa isang tao na nasa isang relationship na. Hindi mo alam kung ano nga ba ang gagawin mo, hindi mo alam kung saan nga ba ang kalulugaran mo. Pero naisip ko, mas mahirap at magulo kapag ang taong gusto mo ay biglang magkagusto rin sa’yo habang nasa isang relationship pa siya. Ibang usapan na ‘yon, hindi ba? Ngayon, sa oras na mapasok ka sa ganitong sitwasyon, ano nga bang gagawin mo? Susundin mo pa rin ba kung ano ang itinitibok ng puso mo, o igagalang mo ang dalawang nagmamahalang tao? Para sa’kin, may tatlo kang pwedeng pagpilian, tatlong pwedeng solusyon. Ikaw, kaya ba ng sikmura mo na maging 3rd party o kabit? Dahil nga sa ayaw mong masira ang kung ano mang mayroon na sila, maaatim mo bang maging pangalawa? Pangalawa sa pagmamahal, pangalawa sa kanya, pangalawa sa lahat? Oo, sabihin na nating mahal ka nga niya, pero may kahati ka pa ring iba. Hindi ba dapat, kapag minahal ka ng isang tao, sa’yo lang siya at sa kanya ka lang, buong-buo at kumpleto. ‘Wag mo nang pasukin ang isang bagay kung alam mong hindi ka naman sigurado. Pwede kang bitawan kahit anong oras na gustuhin niya, dahil tinanggap mong kuntento ka na sa pagiging pangalawa, hindi ba?
Kung makikipag-break naman siya doon sa tao, hindi ba’t homewrecker naman ang kinalabasan mo? Katulad ng nauna, hindi pa rin ito maganda. ‘Wag nating gawing reason ang pag-ibig para makasira ng isang magandang pagsasama. ‘Wag mong hayaang hiwalayan niya kung sino man ang kasama niya nang dahil sa’yo at nang dahil sa pagmamahalan niyo. Oo, sabihin na nating mahal niyo nga ang isa’t isa, pero isaalang-alang niyo rin naman ‘yong pwedeng maramdaman ‘nung isang taong nawalan, hindi ba? ‘Love is never selfish.’, ‘ika nga nila. Pero alam niyo kung ano ang sa tingin kong dapat gawin niyong tama? ‘Yon bang hintayin niyo ang oras niyong dalawa. Right time, kungbaga. Kung talagang mahal mo siya, at kung talagang mahal ka niya, hahayaan niyong oras at panahon ang magdesisyon para sa inyong dalawa. Isama niyo na rin ang tadhana. Sabi nga sa kantang Somewhere down the road, ‘We had the right love at the wrong time.’ Kung kayo, kayo naman talaga diba? Gaano man katagal, hindi man ngayon, but somewhere down the road, magkikita pa rin kayo. Naisip ko lang, sa paghihintay ng tamang oras para sa inyong dalawa, kailangan bang andyan ka pa rin palagi at nakapaligid sa kanya? Hindi ba’t kapag andyan ka at palaging nakikita niya, maaaring maguluhan pa rin siya? Hindi mo kailangang lumayo, hindi mo kailangang magtago. Distance, ‘yon ang masasabi kong ibigay mo. Hayaan mong panahon ang magdesisyon para sa inyo.
It’s a matter of choosing the right decisions lang naman talaga or suffer the consequences. ‘Love conquers all.’, pero hindi sinabing kailangang may masaktang iba para lang mapatunayan niyong mahal niyo talaga ang isa’t isa. Hindi lang palaging sarili natin ang kailangan nating isipin, pati ‘yong mga taong nakapaligid sa’tin. Sa oras na mapasok ka sa sitwasyong magkagusto ka sa isang taong nasa isang relationship na, walang masama doon. Magiging masama lang ito sa oras na gumawa ka ng paraan para masira silang dalawa, o sa oras na magkagusto rin siya sa’yo pabalik at hindi niyo inisip na may masasaktang iba. Maging matalino tayo pagdating sa aspeto ng pag-ibig. ‘Wag lang palaging puso ang pairalin, pati ang isip, gamitin. Sabi nga nila, kaya nga inilagay ang utak na mas mataas kesa sa puso para kahit papaano, ay pakinggan mo rin ito at ‘wag lang palagi ang sinasabi ng puso mo. Sa pagpasok o sa pagmamahal sa isang tao, isipin natin kung may mga taong masasagasaan nga ba tayo. Hindi mo naman siguro matatanggap kung kabit o homewrecker ang sa’yo ay ibabansag? Gusto mo bang panghabangbuhay nang nakakabit sa pagkatao mo na minsang naging kabit ka o nanira ng isang pagsasama, samantalang pwede namang magmahal at mahalin ka ng alam mong ikaw lang at wala nang iba.
Wala namang masama kung hinihintay mo ang isang tao na mahalin ka. Ang masama ay kung, may mahal na siya at may nagmamahal na sa kanya, tapos hinihintay mo pa rin siyang mahalin ka.
“It’s more fun in the Philippines” jingle released.
The Department of Tourism (DOT) on Thursday released the domestic jingle for the agency’s “It’s More Fun in the Philippines” campaign via the video-sharing site YouTube.
The DOT didn’t release much information on the jingle, including its composer and performer.
Its catchy chorus tells listeners “It’s more fun in the Philippines, bakit pa lalayo? Sobrang swerte naman ng tsinelas mo, naka-apak na sa paraiso.”
On its official Twitter account, the agency merely said: “Have you heard of the new ‘It’s More Fun in the Philippines - Domestic Jingle’? Here it is, let’s spread the FUN!”
While many said they liked the jingle, several can’t help but compare it to “Piliin Mo ang Pilipinas,” the theme song of Choose Philippines, whose video featuring “Pilipinas Got Talent” finalists El Gamma Penumbra went viral on the Internet.
“Focusing on the song, it’s not bad. Not as impressive as the version of the Regional Network Group of ABS-CBN, which is ‘Piliin Mo ang Pilipinas” by Angeline Quinto but it’s refreshing to hear a new sound quite different from the ones created by ABS-CBN. Para maiba naman,” wrote blogger Pusang Kalye.
“Mas maganda pa rin ‘yung ‘Piliin Mo ang Pilipinas,’” commented jeshuevos21 on YouTube.
“Better if my video na para makita ang na talagang it’s more fun in the Philippines,” jeshuevos21 added.
Some Twitter users also couldn’t help but notice the timing of the jingle’s release, which coincided with a robbery at the Robinsons Galleria mall in Quezon City.
Isa lang naman ‘yong gusto ko, ‘yong mahanap ko na ‘yong taong para sa’kin, ‘yong mahanap ko na ‘yong taong magmamahal sa’kin ng totoo. Mahirap ba ‘yon? Sa bawat umaga paggising ko, kasama sa mga ipinagdarasal ko, na sana magkita na kami, na sana magkasalubong na kami, na sana magtagpo na ang mga landas namin. Kaya lang, hindi nga pala lahat ng dasal ay natutupad kaagad. Madalas ipinagkakaloob ito sa tamang panahon, at sa tamang oras na nararapat para sa’yo. Kailan nga ba ‘yon? Kailan kaya mangyayari ‘yon? Sa totoo lang, hindi ko alam. Wala naman talagang nakakaalam, hindi ba? Kaya sa araw-araw, paulit-ulit lang, pare-parehong hiling ang ginagawa ko. Na sana makita’t makilala ko na siya, kasi habang tumatagal, nakakainip na. Ang hirap maghintay sa isang taong hindi mo alam kung kailan nga ba darating. Alam kong may hinihintay naman ako, pero kailangan ko nga ba talagang maghirap ng ganito? Kailan nga ba? Gaano katagal pa nga ba? Mga tanong na palagi kong ibinubulong sa hangin, nagbabaka-sakaling makuha ko na ang sagot na gusto ko.
Just like Christmas, ‘Love is just around the corner.’ Pero saang kanto ko nga ba matatagpuan ito? Ilang liko pa nga ba ang kailangan kong gawin bago ko makita at matagpuan ito? Saang lugar nga ba siya naroroon at naghihintay para sa’kin? Minsan, ang hirap nang maniwala sa mga kasabihan, kasi alam mo namang walang kasiguraduhan. Sabi rin nila, ‘Love comes when you least expect it.’ Dumarating ito nang hindi mo inaasahan, biglaan kungbaga. ‘Yon bang, basta mo na lang mararamdaman ito. Hindi mo hinanap, kundi kusang dumating ito sa’yo. Kapag ganun daw ang pagmamahal na naramdaman mo, mas natural daw ito, mas totoo. Pero hindi rin naman pwedeng tumanga ka na lang palagi at maghintay sa isang bagay na hindi mo alam kung darating pa nga ba. Dapat may gawin ka pa rin para dumating ito sa’yo, hindi ba? Magulo talaga ang pag-ibig. Simple pero kumplikado. Emosyon lang naman kasi ito, pero kapag naramdaman na ng tao, doon na siya nagsisimulang maging kumplikado at magulo. Paghahanap pa nga lang, pahirapan na. Papaano pa kaya kapag andyan at nararamdaman mo na? Sadyang may mga bagay talaga minsan na mahirap ipaliwanag, at mahirap hanapan ng sagot. Hahayaan mo lang, kasi masaya ka, sa umpisa. Pero papaano kapag nasaktan ka na? Enjoy pa rin nga ba?
Pero gaano nga ba katagal natin kailangang hanapin at hintayin ang taong para sa’tin? May mga ibang napagod at sumuko na. Mayroon din namang, hindi nawawalan ng pag-asa, naniniwalang maaaring ngayon, bukas o sa isang araw ay matagpuan na nila ang taong para sa kanila. Kung ako ang tatanungin niyo, isa siguro ako sa mga taong, naghahanap at naghihintay. Kailangan, hindi lang naman palaging paghahanap at palaging paghihintay ang ginagawa. Kaya lang minsan, hindi rin naman maiaalis sa’tin na mapagod at mainip tayo. Parte ‘yon. Oo, dumating na ako sa puntong halos sumuko na ako dahil sa paulit-ulit at pare-parehong pangyayari sa’kin pagdating sa aspeto ng pag-ibig. Nasaktan man ako ng ilang beses, pero mas pinatibay ako nito. Sabi nga nila, ‘Nasasaktan ka, kasi nagmamahal ka.’ Lahat tayo, sigurado akong nasaktan na. Pero darating din naman tayo sa puntong hindi na natin mararamdaman ‘yon sa oras na mahanap na natin ‘yong taong bubuo sa pagkatao natin, ‘yong sa atin ay kukumpleto. ‘Yon nga lang, it takes time. Siguro sa ngayon, patuloy na lang akong magdarasal. Patuloy ko pa ring ibubulong sa hangin ang aking hiling na, ‘Kailan nga ba darating ‘yong panahon na ako naman ‘yong hahabulin? Na ako naman ‘yong mamahalin? Na ako naman ‘yong pipiliin? ‘Yong ako lang, habang nakatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa’kin.‘
Ang pakikipagrelasyon ay parang panonood ng pelikula sa isang sinehan. Aasa kang masisiyahan ka sa palabas, pero minsan, sa umpisa lang pala maganda ang lahat. Mabibigo ka na sa bandang gitna, nakakatamad, nakakasawa.
At kapag ang katuwiran mo, ay tutal nasa loob ka na rin naman at sayang dahil sa gumastos ka na kaya tinapos mo pa rin ang palabas, masasabi kong, tanga ka.
Camarines Sur Governor L-Ray Villafuerte confirmed that the U.S. version of the hit reality TV show “Survivor” is now being shot in Caramoan Islands in Camarines Sur.
“Actually may ‘Survivor’ doon. It’s a really big production but I cannot give more details because I signed a confidentiality agreement. It’s is being filmed right now and it’s going to air in September,” Villafuerte told abs-cbnNEWS.com on Tuesday.
He added that the shooting only started last week and will wrap up in August.
According to speculations on the show’s fan sites, the American version of “Survivor” with host Jeff Probst is shooting two seasons in the Philippines — Seasons 25 and 26 — back to back.
“Survivor” Season 24 is currently airing worldwide. The next season is expected to air in the fall.
Villafuerte also pointed out that this isn’t the first time that Caramoan was picked as a “Survivor” spot. “Survivors France, Sweden, Belgium, India, Turkey, Serbia, Israel have filmed there as early as four years ago,” he said.
Kailangan, matutunan mong timbangin ang tama at ang mga mali. ‘Pag marami ng bulok, itapon mo na ito. Pero hindi porke’t may sira, ay hindi na ito pwede. Ihiwalay ang mga nabubulok sa mga hindi nabubulok. ‘Wag haluan ng sira ang mga kamatis na bago. At kung pag-aaralan mo na magbigay ng sakto, wala kang aasahan na sukli. Hindi ka mawawalan, at hindi ka malulugi.
Maraming tao sa palengke, pero kung alam mo naman kung ano ang ipinunta mo doon, hindi ka malilito.
Naisip ko, sadyang hindi pa pala talaga ako handa para sa isang commitment o sa kahit anong bagay na may kaugnayan dito. Takot? Pwede. Hindi sigurado sa mga pwedeng mangyari? Baka. Hindi ko pa kaya sa ngayon? Oo. Ako kasi ‘yong tipong gusto kong planado ang lahat. Oo, alam kong hindi naman talaga pwedeng planuhin ang pagdating ng pag-ibig, dahil nga sa biglaang nararamdaman ito para sa isang tao. Sabihin na nating, oo nga’t ganun na nga, pero ang ‘di ko lang talaga maintindihan ay kung bakit kapag andyan na, saka naman ako pinanghihinaan ng loob, hindi itutuloy at uurong na lang. Ilang beses ko na ring naranasan ito, ‘yong kumpirmasyon na lang mula sa inyong dalawa ang kulang, pero bigla na lang akong lalayo, bigla na lang iiwas. Sa parehong paraan, naranasan ko na rin naman na ako ‘yong maiwanan. Na ako ‘yong iwasan, na ako ‘yong layuan. Sabi nga nila, pana-panahon lang naman ‘yan. Kung minsang ikaw ang lumayo at umiwas, siguradong darating din naman ang panahon na ikaw naman ang iiwasan at lalayuan.
‘Hindi pa ako handang makipag-relasyon.’, masakit pakinggan, hindi ba? Pagkatapos ng lahat ng pinagsamahan niyo, sa bandang huli, ‘yon lang pala ang sasabihin niya sa’yo. Na hindi pa pala siya handa, na hindi ka niya kayang pangatawanan, na hindi ka niya kayang panindigan. Gusto mong isumbat sa kanya ang lahat, ‘Para saan pala lahat ng mga ginawa at ipinaramdam mo? Ang lahat ng mga sinabi mo?’ Hindi mo naman pwedeng sabihin na nag-assume ka lang, kasi alam niyo sa mga sarili niyo na mahal niyo ang isa’t isa. It’s just that, isa sa inyo ang natakot, isa sa inyo ang naduwag. Sa tuwing naaalala ko na minsan ko nang binitawan ang mga salitang ito sa isang taong mahal ko naman talaga pero pinakawalan ko pa, hindi ko mapigilang pagsisihan ang lahat ng mga ginawa ko. Nasa kamay ko na, nabitawan ko pa. ‘Kailan ka ba magiging handa?’, ‘Ano ba ang dapat kong gawin para maging handa ka?’, mga tanong na itinanong niya sa’kin habang unti-unti ko siyang sinasaktan sa ginagawa ko. Oo, pinagsisihan ko na ang lahat ng ‘yon. Pinagsisihan ko na ngayong wala na siya at masaya na siya sa piling ng iba. Tama sila, malalaman mo lang talaga ang halaga ng isang tao kapag wala na siya sa piling mo. Hinayaan ko siyang mawala sa’kin ng ganun lang kadali dahil sa natakot ako, dahil sa hindi pa ako handa.
Pero tinatanong ko ang sarili ko, ‘Kailan nga ba talaga ako magiging handa para sa isang relasyon o sa isang commitment?’ Sa totoo lang, hindi ko alam. Kaya siguro mas nagse-settle na lang ako sa simpleng ‘kilig’ sa isang simpleng crush na lang. Kung tutuusin, masaya na naman ako sa ganun. Masaya, pero kahit papaano, may kulang pa rin. Hindi kumpleto, hindi kuntento. Iba pa rin kasi talaga kapag alam mong sa’yo siya, at ganun rin siya sa’yo. Sa totoo lang, hindi ko kasi alam kung papaano ko nga ba talaga panghahawakan ang isang relasyon. Gusto ko na kasi ‘yong pangmatagalan, at dahil na rin doon, kaya siguro ako natatakot, natatakot ng magkamali, natatakot nang masaktan ulit. Pero sabi nga nila, It comes naturally. Lalabas na lang ‘yon sa oras na andun ka na sa sitwasyong ‘yon. Siguro, sadyang may mga taong katulad ko, mga taong takot sa commitment, sa ngayon. Mga taong ‘Hindi pa handa’. Pero naisip ko, ang lahat naman ng bagay ay may tamang panahon, hindi ba? At alam kong darating din ‘yon. Oo nga pala, mas magandang hindi minamadali ang mga bagay, pinag-iisipan, pinagplaplanuhan. Walang masamang matakot o maging hindi pa handa para sa isang seryosong relationship. Minsan, sadyang may mga tao lang talaga na marunong mag-isip. Mga taong, hindi lang palaging puso ginagamit, kundi pati na rin ang isip.