Minsan, may mga tao talagang pumapasok sa buhay natin na aakalain nating ‘Siya’ na. Isang taong pag-aalayan natin ng mga oras at panahon natin. ‘Yun bang iisipin nating siya yung ipinagkaloob ng Diyos sa’tin na pwede nating makasama habang buhay. Tapos ‘eto tayo, pagbubuksan siya ng pinto at papapasukin natin siya sa loob ng mga puso natin. Inaakalang siya na nga, o ‘yun bang parang siguradong-sigurado na tayo sa mga nararamdaman natin.

Oo, maayos talaga sa umpisa. Andyan yung siya yung magpapangiti sa’tin sa bawat araw. ‘Yun bang napapasaya niya tayo sa mga simple niyang ginagawa para sa’tin. Gagawin natin siyang isa sa mga dahilan ng paggising natin tuwing umaga. Makasama lang natin siya, siguradong okay na. Pampakalma sa tuwing nababagabag at hindi maayos ang ating mga nadarama. Ganyan natin kung ituring ang taong ito, importante at sobrang mahalaga. Iisipin pa nga natin na aksidente lang talaga ang pagdating niya sa mga buhay natin. Kasi sabi nga nila, ‘Love comes when you least expect it’. Pero bakit para atang habang lumilipas ang araw, may nagbabago, na para bang may nag-iiba?

Oo nga’t minsan ay ganito talaga tayo. Inaakala natin na yung isang taong kumatok sa pintuan ng puso natin at pinapasok natin ay pareho lang ng nararamdaman sa’tin. Na siya rin mismo ay papapasukin ka sa loob ng puso niya. Hanggang sa dumating tayo sa puntong mare-realize nating, ang lahat pala ng inakala nating ito ay hindi pala totoo, na hindi pala mangyayari. Na hindi pa rin pala siya yung taong hinihintay natin, na dadaan lang pala siya talaga at aalis din. Siguro, ganun talaga minsan, hindi natin maiiwasang magkamali lalo na sa mga nararamdaman natin. Pero kahit ganun man, hindi ba’t umaasa pa rin tayo na darating ang isang araw na matututunan niya rin tayong mahalin pabalik?

Pero bakit kaya kapag tayo na lang mag-isa, kahit ano pang gawing isip natin na sana siya na, masasabi mo pa rin sa sarili mong, ‘Hindi pa rin pala’

  1. overthinkinglady reblogged this from amateurdreamer
  2. teenaaj reblogged this from amateurdreamer
  3. ricojected reblogged this from amateurdreamer
  4. myheartinmotion reblogged this from amateurdreamer
  5. memoirsofbabydoll reblogged this from amateurdreamer
  6. captivatingyoursmile reblogged this from amateurdreamer
  7. simplylincy reblogged this from amateurdreamer
  8. bagong-buhay reblogged this from amateurdreamer
  9. alemajneeloc reblogged this from amateurdreamer
  10. christineee-joy reblogged this from lumalagablog
  11. laughingfornoreasons reblogged this from amateurdreamer