Sa totoo lang, hindi ko alam kung papaano uumpisahan ‘tong birthday post/appreciation post ko para sa’yo. Kung babatiin man kita, tapos na naman yung birthday mo. Nung Dec 1 pa diba? Pero sabi nga nila, 'It's better late than never.' So, HAPPY BIRTHDAY BEZ! Well, belated to be exact. Alam kong matagal mo nang hinihintay ‘tong 'Dear YOU' post ko na ito for you at ito na nga. Sensya kung natagalan, ha?

Well, saan nga ba tayo nagsimula? Sa totoo lang, bago pa naman ang Dec 2010, nag-uusap na tayo sa TA hindi ba? Pero noong Dec 18 sa MOA, doon ko masasabing nagsimula talaga ang lahat. Sa lakas ba naman ng loob mo, alam mo, doon mo talaga ako nakuha (LOLWAT). Sa, 'Hi, Liam nga pala, hoaxbywill.', sabay abot ng kamay para makipagkamay sa’kin. Tapos nakatingin lang ako sa’yo sa gulat. Tapos nasabi ko na lang sa sarili ko, 'Ah, siya pala.' Ikaw na pala yung si hoaxbywill na nakakausap ko nga sa TA palagi. Tapos nga diba, lumipat tayo ng Bluewave ’nun, at doon tayo nag-umpisang magkulitan na ng todo. Naalala mo pa ba yung isang game, yung may paper thingy tapos ibibigay mo sa isang tao na gusto mong pagbigyan. Ano nga ba yung ibinigay mo sa’kin? Ah, yung 'I want to know you better' na paper. Alam mo Liam, feeling ko naman nagtagumpay ka. Hindi nga lang better, halos lahat, well 'halos', alam mo na tungkol sa’kin. After nung meet up na ‘yon sa MOA, the rest is history. 

Andyan na yung todo texts, yung late night phone calls na nagstart simula nung naging Globe postpaid subscriber ako. Sa totoo lang, ikaw nga lang yung kausap ko ‘nun gabi-gabi. Kungbaga, pinapangatawanan mo lang talaga yung nakasulat sa papel na ibinigay mo sa’kin doon sa Bluewave. Tapos yung everyday YM na sa tuwing bubuksan ko pagkagising ko, tatawa ako ng malakas sa mga offline messages mo para sa’kin. The MalicSAY~ & AlbeSUH~ tawagan natin, alala mo pa ba ‘yon? Then dumating ang White Day 2011. Pero bago pala nun, pumunta ka muna ng Baguio diba? Tapos nagpabili pa nga ako sa’yo ng Choco Flakes na ibinigay mo sa’kin nung White Day 2011. Noong mga oras na ‘yon, nasabi ko sa sarili kong, kaibigan na nga kita talaga. Pero ang nakakatawang part talaga ay yung mga 'Secrets' na nalaman ko tungkol sa’yo. Mga bagay na hindi ko na pwedeng sabihin pa dito. Alam mo na naman kung ano yung mga ‘yon. Yung mga nakakatawa at nakakagulat mong mga revelations sa’kin. Yung mga crushes mo, yung mga nagkakagusto sayo at marami pang iba. 

Tapos, habang tumatagal, mas lumalalim yung pagkakaibigan natin, well to make it short, 'Things in the past'. Tama na, ang tagal na ‘nun, okay? Mga bagay na tinatawanan ko na lang sa tuwing maaalala ko. Naalala mo pa ba? Sucker Punch, Sbarro, Starbucks Emerald, Banchetto? Pinaiyak mo lang naman ako sa Banchetto nung April 2, 2010. Hindi ko makakalimutan ‘yon ‘no. Then April 4, alam ko may akward moments pero okay lang. Yung moment na umiiyak ka nga ‘nun, gusto ko sanang lumapit kaya lang nahihiya ako sa’yo. Hindi ko rin naman alam yung sasabihin ko. Hanggang dumating tayo sa puntong hindi na tayo masyadong nakakapag-usap. Yung dating ginagawa natin, nababawasan, na para bang nawawala na. Alam ko rin naman kasing busy ka. Remember that 4 part text message? Sayang, alam kong sinave mo ‘yon, kaya nga lang, naiwala mo yung phone mo kung saan mo sinave ‘yon. After nung 4 part text message na ‘yon, parang ‘yon pa nga ang nagbukas ng better opportunities para sa’ting dalawa. Pagkatapos ‘nun, doon na nabuo yung tawagan nating 'BEZ' hindi ba? At pagkatapos rin nun, doon tayo naging mag-Bestfriend.

Tapos EK, ang masasabi kong isa sa mga pinakamasaya naming moments bilang mag-Bestfriend. Bago kasi nun, umuwi kami ng sabay papunta ng Cavite at for the first time, kakaibang trip ang ginawa namin sa byahe. Paano ba naman, nakamali-mali kami ng sakay. Wala na kasi sa Cubao that time ng bus pauwi sa’min. Para nga pala sa kaalaman ng lahat, pareho kaming taga-Dasmarinas, Cavite. Fast forward: Nagalit siya kasi late ako nung umaga na papunta na kaming EK, tapos 2 lang yung nasakyan namin sa EK kasi naman sobrang daming tao. After nun, umuwi na kami, kasama namin si Blair (@amazingblair). Tumambay kami sa McDo Dasma, kumain, kwentuhan at tumawa lang ng tumawa. Tapos lumipat kami sa 7/11 Dasma, kasi sobrang nagke-crave kami sa Sprite, tumambay, nagkwentuhan at tumawa lang ng tumawa. Alam niyo ba na si Liam, kapag tumatawa, parang wala nang bukas? Grabe. Yung tawa niya, ay nako wagas. Alam kong wala sa hulog pero naalala ko lang, diba ako yung pinakaunang TA mo? Ibig sabihin nun, destined talaga tayo para sa isa’t isa. Just kidding. At isa pa, isang bagay lang ang ipinagdadamot namin sa isa’t isa, SPRITE.

Alam mo, hindi ko na masyadong papahabain pa ‘to. Ang dami ko pa sanang gustong sabihin kaya lang, may mga bagay na minsan, mas mabuting sa’yo ko na lang sinasabi hindi ba? Gusto ko lang naman malaman nila kung gaano ka ka-awesome na kaibigan. Kung gaano ako kaswerte kasi hindi lang kita kaibigan, bestfriend pa kita. Kung gaano ako kasaya kasi dumating ka sa buhay ko. Ang cheesy ko lang. Alam mo, yung mga isinulat kong mga moments natin, yung mga naaalala kong memories nating magkasama tayo, konti pa nga ‘yan. Kung isusulat ko kasi lahat ‘yon, hindi ko alam kung hanggang saan at kung kailan ako matatapos. Saka para sa’kin naman, wala akong masasabing 'Best' memory nating dalawa. Alam mo kasi, kino-consider ko na everytime na magkasama tayo, magkausap o kahit magkatext man lang, 'Best' moment na natin ‘yon. Ganun ka ka-special sa’kin, tandaan mo ‘yan. Sa mga makakabasa, wala pong malisya ito, ganito lang talaga kami ni Liam. Gaya nga ng palagi kong sinasabi sa’yo, all-in-one ka na para sa’kin, ideal, kumpleto. Tatay, Nanay, Kuya, Ate, Tita, Tito, Lolo, Lola, kaibigan, boyfriend, lahat na. As in, lahat na. Oh, build up na build up na kita ha. Quota ka na. 

Pero kahit ganun, hindi naman mawawala sa’tin yung tampuhan at konting maliliit na hindi pagkakaintindihan. Part naman kasi ‘yon talaga ng isang magandang pagkakaibigan, isa ‘yon sa nagpapatibay ng samahan hindi ba? Alam kong may tampo ka sa’kin sa tuwing hindi ako nagsasabi sa’yo, na minsan, ikaw na lang yung may hindi pa rin alam habang alam na ng iba. Pasensya ka na, minsan kasi, nahihiya lang ako, saka ayaw ko nang guluhin ka pa, kasi nga alam kong marami ka rin namang iniisip. Pero kahit ganun, hindi naman ibig sabihin ‘nun na wala na akong tiwala sa’yo, some things are just better left unsaid. Saka sabi mo nga, magaling kang makiramdam. Minsan, alam mo na bago ko pa sabihin sa’yo hindi ba. May request lang ako, pwede ba, bawas-bawasan mo ang pagiging mainitin ng ulo at short-tempered mo, nakakabaliw kasi talaga minsan. Alam ko, ako lang ang nakakapagpakalma sa’yo, pero paano na lang kapag wala ako? Please, habaan ang pasensya. ‘Wag palaging daanin sa init ng ulo ang mga bagay-bagay, okay? 

So ito na ba yung part na kailangan ko nang magpasalamat? Medyo patapos na kasi ‘tong sulat ko sa’yo. Ang haba-haba na at nauubusan na rin ako ng sasabihin. Nako, kung hindi ka lang talaga malakas sa’kin. Bez, sa totoo lang, hindi pa enough yung salitang 'Salamat' para sa lahat ng mga ginawa, ginagawa at gagawin mo para sa’kin. Nahihiya na nga ako minsan, sa totoo lang. Parang sobra na, na wala man lang akong maibigay in return. Gaya nga ng sabi ko sa’yo, I don’t have anything na pwede kong maibigay kundi yung pagmamahal ko lang. Gusto ko lang maging masaya ka palagi, na alam kong ‘yon naman talaga ang nararamdaman mo at dahil doon, masaya na rin ako. Salamat sa mga pagpapakalma kapag hindi ko na alam yung gagawin ko, kapag halo-halong emosyon na yung nararamdaman ko. Salamat kasi palagi kang andyan, lalo na kapag kailangan ko ng isang taong masasandalan sa oras na pakiramdam ko, tutumba na ako. Salamat kasi, pakiramdam ko may tumatayo akong Kuya sa oras na gusto kong maramdamang mas nakababatang kapatid ako. Salamat sa advice mo sa oras na hindi ko ma-apply sa sarili ko yung mga payo ko para sa ibang tao. 

Salamat sa pagpaparamdam na palagi akong may kakampi, may kasama, may kaibigan sa oras na pakiramdam kong mag-isa na lang ako. Salamat sa palaging paniniwala sa’kin na kaya ko sa oras na nawawalan na ako ng pag-asa. Salamat sa pagpapasaya sa’kin sa oras na alam mong malungkot ako. Salamat sa palaging pagsalo sa’kin sa oras na alam mong wala akong pera, ang dami ko ng utang sa’yo. Salamat sa pagiging kaibigan at bestfriend, at salamat dahil dumating ka sa buhay ko. Salamat sa pagmamahal, doon palang, kumpleto na ako. And the list just goes on and on and on…

Ang dami ko palang dapat ipagpasalamat sa’yo ‘no? How I wish na yung salitang 'Salamat' ay enough na para sa lahat ng ‘yon. Bez, gusto ko lang maging masaya ka. I’m trying to be the best and the perfect bestfriend na katulad mo towards sa’kin, kaya lang ‘eto lang ako. I’m sorry kung marami akong flaws and shortcomings, babawi ako. Basta, ayokong iiyak ka, masasaktan ka, madedehado o maaagrabyado ka. Sisiguraduhin kong pagsisisihan nung taong ‘yon na ipinanganak pa siya. Kilala mo naman ako diba? I’m fabulous, but I’m evil. Please lang, ingatan mo naman ang sarili mo. Sakitin ka pa man din minsan. Makinig sa Nurse mo, okay? Napaka-pasaway mo pa man ding pasyente. So, I think we’ve come to the last part of this letter. Nasabi ko na naman siguro lahat ng gusto kong sabihin. Kung may kulang man at maalala ko, sa’yo ko na lang mismo sasabihin ‘yon. Surprise ‘to, wala ka naman kasi dito ngayon. Hindi ko nga alam kung kailan mo ito mababasa, pero sana magustuhan mo. Bawal umiyak, ha? Pero kung naiiyak ka na, ‘wag mong pigilan. I’m just happy ‘cause I have you in my life. 

Thanks for everything Bez. Thanks for being the bestest besfriend in the whole wide world. HAPPY BIRTHDAY ulit, well belated na nga diba. You take care of yourself always. Pahabol nga pala, kung anuman yung magiging plans mo sa career mo, andito lang ako, nakasuporta sa’yo. You’re doing good naman ngayon, and you have plans na maging 'Academician' just like me diba? Well, go for it! I’m sure magiging magaling kang Professor. Godbless. I miss you and I love you Bez, you’re the best! 

Always, Rain.

  1. hoaxbywill reblogged this from amateurdreamer
  2. amateurdreamer posted this