Weird ng mga tao. I posted this on Facebook (Na binura ko na to avoid issues), ‘Who is Kim Jong Il? Is he a Koreanovela character or a Korean superstar? #notinterested’ Tapos may nag-react na isa, ‘Seriously, blah blah blah.’ Na para bang she’s mocking me. Honestly, hindi ko talaga siya kilala and wala akong balak na kilalanin siya. I mean, kailangan ba? Then nalaman kong he’s the leader of North Korea, okay. For me naman, so what? He’s dead, tapos? Kailangan ko bang malungkot? Kailangan ko bang ipagluksa ang kamatayan niya? Or mas dapat kong pansinin ‘yong mga nangyayari sa bansa natin ngayon? ‘Yong iba naman kasi, tipong makisali lang. ‘Yon bang, para masabing ‘IN’ dahil sa may isang kilalang taong namatay, kunwari nagluluksa na rin siya. 

And this issue about PNoy, ano naman kung nagpa-party siya at nanonood sa ‘Private’ show ni Valerie Concepcion? It doesn’t mean na wala na siyang ginagawa. Hindi ba kapag stressed and pressured na kayo/tayo, we still find a way na makapag-relax kahit papaano? Kung ako ang Presidente ng ‘Pinas, hindi ko ide-deprive ang sarili ko sa mga ganung bagay. Lalo na kung alam ko namang ginagawa ko naman ang lahat maging maayos lang ang bansa natin. Hindi ko maintindihan ‘yong ibang tao, just because he’s the President and tayo ‘yong ‘Boss’ niya, hindi ibig sabihin ‘nun na kung ano ‘yong sa tingin mong tama, ‘yon na dapat ang ginagawa niya. Kanya-kanyang diskarte pa rin ‘yan. 

Actually, hindi ko alam kung saang side talaga ako. There’s a part of me na nagsasabing, ‘PNoy, kung ano-ano na ngang nangyayari sa bansa natin, nakuha mo pa ring pumarty.’ something like that. I guess, katulad lang din ako ng weather natin, magulo.