Sa tuwing kasama ko ang Law student kong friend, hindi niya maiaalis sa’min na tanungin kami kung ano nga ba ang pananaw namin sa mga nangyayari sa pamahalaan natin ngayon. Kagabi, tinanong niya kami, 'Anong masasabi niyo sa performance ni PNoy as a President?' Then sabi ko lang, 'Simula naman noong umpisa palang, hindi ko na siya gusto.' Which is true, I never liked him. Hindi naman kasi siya ang ibinoto ko, and alam naman nating lahat na tumakbo lang siya dahil sa mga magulang niya. Napilitan? Siguro. Then napunta ang usapan namin sa current situation ng ating bansa, ang nangyari sa Mindanao dahil kay bagyong Sendong. Syempre, hindi maiiwasan na maidikit din dito ‘yong issue kay PNoy with Valerie Concepcion. Hindi rin namin maiiwasan na maikumpara siya sa previous nating pangulo na si GMA. Bakit nga ba nakuha pang um-attend ni PNoy ng isang party, at maging masaya at tumawa sa 'Entertainment' na ibinibigay ni Valerie, samantalang halos lahat ay luhaan na sa katimugan ng ating bansa? Tanong naman nating lahat ‘yan, hindi ba? 

Sa usapang ‘yon, naisingit rin namin ‘yong pinakaunang dagok sa pamumuno ni PNoy, ang Quirino Grandstand Hostage Crisis. Hindi ba’t noong mga oras rin na ‘yon, wala sa eksena si PNoy? Nasaan nga ba siya? Nagdi-dinner with his cabinet members 'daw'. Sa totoo lang, kung titingnan niyo, nasaan nga ba palagi ang ating pangulo sa oras na kailangan natin siya, na kailangan siya ng ating bansa? Dito na pumapasok ang pagkukumpara. Naaalala niyo ba noong si GMA pa ang ating pangulo? Hindi ba’t sa tuwing may nangyayari sa’ting bansa, mapa-anong oras man ‘yan, kahit ano pa man ang itsura at suot niya (Nakapambahay, magulo ang buhok o kahit kakagising lang), haharap siya sa buong Pilipinas, maglalabas siya ng statement niya at kaagad-agad siyang pupunta. Isang magandang katangian ng pangulo, alam na alam mong concerned siya sa bayan niya. Siguro, isang bagay na hindi nagagawa ng ating pangulo ngayon. Oo, magaling talaga si GMA, no questions asked. Pero ‘yong galing niya at mga nagawa niya para sa’ting bansa, nakalimutan na nating lahat dahil sa ng mga kasalanang nagawa niya. Teka, ano sa tingin niyo? May 'say' kaya si Kris Aquino sa pamumuno ng kapatid niya? Pwedeng oo, pwede rin namang hindi. Pero sa pagkatao ni Kris, hindi malayong may 'say' siya sa lahat ng bagay.

Kung tutuusin kasi, si PNoy, Charismatic Leader lang naman talaga siya. Mas maganda siguro kung pinaghalo-halong, Autocratic, Democratic at People-Oriented type of Leader siya. Ito ang tipo ng pamumuno na meron ang lahat ng mga nagdaang pangulo ng ating bansa, meron pa ngang Dictator hindi ba? Isang pasko na nga pala ang lumipas na si PNoy ang pangulo ng ating bansa ‘no? Tanda niyo ba kung nag-Christmas message siya sa’tin? May natatandaan ba kayong ginawa niyang ganun noong isang taon? Wala hindi ba? Isang bagay na required na gawin ng isang pangulo, ang batiin ang buong bayan niya sa mga dumadaang okasyon sa kanilang buhay. Maliliit na bagay lang naman ang mga ito, alam ko ‘yon. Pero kasi, hindi naman natin maiiwasang mapansin ‘yon lalo pa’t nage-expect ka mula sa kanya. Siya ‘yong naihalal kaya sana gampanan niya ang mga tungkulin niya, maliit man ‘yon o malaki. Simpleng bagay man o hindi. Pangalawang taon pa lang naman, may apat pa. Pero sa apat na taon na ‘yon, patuloy na lang ba tayong aasa? 

  1. thatfreckledboy reblogged this from amateurdreamer
  2. monderinbd reblogged this from amateurdreamer
  3. ilovedinoman said: So true.
  4. renserenity said: very well said. :D
  5. jastene18 reblogged this from amateurdreamer
  6. amateurdreamer posted this