MGA URI NG ESTUDYANTE SA ISANG CLASSROOM.

  • The Good One - Siya yung estudyanteng, mabait, pa-goodshot palagi, maaasahan, responsable. ‘Yun bang nauutusan palagi. Yung tipong kapag may kailangang kunin si Sir/Ma’am, siya palagi ang unang hinahanap. ‘Yun bang, 'Nako, naiwan ko yung laptop sa faculty, Mr.Constantino, pakikuha naman'.
  • The Brainiac - Estudyanteng walang inatupag kundi mag-aral, mag-aral at mag-aral. In short, Nerd. Siya yung gustong palaging ka-group sa mga projects at kung ano-ano pa. Syempre, maraming nagkakandarapang maging katabi siya tuwing exam nila at siya rin ang panlaban tuwing may tagisan ng talino sa paaralan nila.
  • The Class Clown - Ang buhay ng classroom. Nangunguna sa pagpapatawa, sa pagbibigay saya. Yung isang banat palang niya, lahat na ay matatawa. Siya yung tipo ng estudyante na para bang walang problema. Yung ang main purpose niya sa klase ay magpaligaya.
  • The Leader - Ang tagapagpasunod ng lahat, bawat salita niya ay batas. ‘Yun bang siya ang palaging president ng classroom. Kasi nga naman, siya yung maaasahan pagdating sa mga bagay na ‘yun. Authoritative and manipulative, pero nasa lugar.
  • The bully - Alaskador, pang-inis, magaling mang-asar. Palaging pinagagalitan, palaging kinaiinisan. ‘Yun bang, mahilig sakit sa ulo ng mga guro nila. Makulit kasi, mahirap pagsabihan. Magulo, maingay, papansin, epal. 
  • The Kontrabida - Yung estudyanteng tutol sa napagkasunduang desisyon, yung panira ng mood, yung panira ng moment. Siya yung kailangang palaging may 'say' sa classroom, yung palaging may opinyon. Siya yung madalas hindi sumang-ayon.
  • The Artist - Ang estudyanteng punong-puno ng creativity sa katawan. Sa mga contests, palaging naaasahan. Drawing contest, singing, dancing, o kahit sa pagtugtog lang ng musical instrument, name it, and you’ll have it. Kaya ‘pag may paligsahan ng pagandahan ng classroom o anupaman ‘yan, siya kagad ang nasa una ng listahan.
  • The Royalty - Ang mga estudyanteng mapa-babae man o lalake na pinagpala ng magandang mukha at katawan. ‘Yun bang sa mga beauty contests, sila ang panlaban. Pero sana, hindi lang puro mukha ang meron sila, mas maganda siguro kung may laman din pati utak nila, 'Beauty and Brains' kungbaga.
  • The Varsity Star - Kailangan pa bang ipaliwanag? Ang estudyanteng sikat sa hardcourt. Tinitilian, pinagkakaguluhan, minsan, pwede ring crush ng bayan. Pero sana ang pagiging player niyo ay sa court lang ha, sa ibang bagay, ‘wag naman.
  • The Crush Ng Bayan - Yung estudyanteng habulin ng lahat, maganda o gwapo ‘yan naman kasi sila. Sinisilip-silip sa classroom, sinisipat-sipat. Siya yung hindi lang mga kaklase niya ang napapatigil sa tuwing darating siya kundi pati mga tao sa hallway, napapatigil niya. 
  • The Weirdo - Ang estudyanteng may sariling mundo sa classroom. Kakaiba, nakakapagtaka. Siya yung tipong gusto mong tanungin, 'Hello?! Andito ka ba?!' Malalim ang iniisip, malayo ang tingin. Yung habang nagtuturo ka, sa bintana nakatingin.
  • The Pasaway - Sabi nila, dalawang estudyante lang ang tumatatak sa isang guro. Kapag matalino ka o kapag naging pasaway ka. Pareho rin ng 'Bully', sila yung mga sakit sa ulo at palaging taong guidance o office. Palaging napapagalitan, palaging kinaiinisan.
  • The Popular - Sila naman yung hindi lang sa classroom niyo kilala, pero pati sa ibang section at buong school nagmarka. Maaaring matalino, maganda/gwapo, o creative siyang talaga. Mga estudyanteng nakilala sa magandang paraan, tinitingala, iniidolo, at sikat kung ituring.
  • The OC/Perfectionist - Yung estudyanteng gusto ang ganito, gusto ang ganun. Yung tipong dapat ganun, dapat ganyan. Kailangan maayos, kailangan planado. Madaling mairita, madaling mainis, maarte kungbaga. 
  • The Average Yung tipong lahat ng mga nabanggit sa taas ay ganito siya. Nasa tamang lugar, nasa tamang oras. Hindi sobra, hindi rin kulang. Tipong typical na estudyante. ‘Yun bang ganito ka dapat. Hindi man siya ganun kapansin-pansin, pero alam mong andyan siya.

Ngayon, ikaw na nag-aaral pa, sino ka sa kanila? At para naman sa mga nagtratrabaho na at mga kakagraduate lang, natatandaan mo pa ba nung estudyante ka pa kung sino ka sa kanila?

(Source: amateurdreamer)

  1. lalanzleones reblogged this from amateurdreamer
  2. matandang-dalaga reblogged this from amateurdreamer and added:
    At siya’y isang class clown, varsity star, at the Pasaway. :”>
  3. leanrainierxd reblogged this from amateurdreamer
  4. carmelitalegaspi reblogged this from amateurdreamer
  5. loisiraisthename reblogged this from amateurdreamer
  6. mycutemoonface reblogged this from amateurdreamer
  7. redvampire24 reblogged this from pengepiso
  8. tuldoksociety reblogged this from amateurdreamer
  9. spongebang reblogged this from amateurdreamer
  10. thistotallyrocks reblogged this from amateurdreamer
  11. mysweetparamour reblogged this from amateurdreamer
  12. roxyrockess reblogged this from amateurdreamer
  13. soundlessnotes reblogged this from amateurdreamer
  14. ashthemenace reblogged this from amateurdreamer
  15. akosijhovz reblogged this from pengepiso
  16. cellceptable reblogged this from amateurdreamer
  17. nicelipshaz reblogged this from amateurdreamer
  18. linary reblogged this from amateurdreamer
  19. bxnds4lyf reblogged this from amateurdreamer
  20. chiquititaaaa reblogged this from pengepiso
  21. aliceofdeath reblogged this from amateurdreamer
  22. missynice reblogged this from pengepiso
  23. pengepiso reblogged this from amateurdreamer
  24. sweetmillefeuille reblogged this from amateurdreamer