‘You know what? Sobrang happy na ako ngayon. Hindi pa kami, oo. Pwede mo akong ipaglaban, siguro oo. Pero kung tatanungin mo ako, please don’t. Kasi sobrang masaya na ako.’ — ito na siguro ang pinakamasakit na mga salitang narinig nabasa ko sa buong buhay ko. Lalo na’t galing pa ito sa pinakamamahal kong tao, at lalo pa’t magpa-pasko pa man din ngayon. Hindi dahil sa magiging miyembro ako ng SMP o ng kung ano pa mang samahan, kundi dahil sa simpleng mahal ko lang talaga siya at alam kong hindi na ako ‘yong magiging dahilan ng kasiyahan niya. Ito na siguro ang karma ko sa mga kagaguhan at katangahang ginawa ko noon. Ang bobo ko talaga, palagpasin ko ba naman ang dalawang taon na wala akong ginawa, kahit alam ko naman sa sarili kong mahal ko siya tapos, mare-realize ko lang ang lahat ng mga bagay na ‘yon kung kailan alam kong huli na pala ang lahat, na may nagpapangiti’t nagpapasaya na sa kanya. Syempre, hindi ko mapigilang isipin at sabihin sa sarili kong, ‘Dapat ako ‘yon.’ Dapat naman talaga, kung noon pa sana.
‘Lumaban ka kapag alam mong may ipinaglalaban ka at maghintay ka kapag alam mong may hinihintay ka.’, isa na ‘to siguro sa mga palaging paalala sa’tin sa tuwing magmamahal tayo ng isang tao. Pero sa sitwasyon ko ngayon, mukhang kahit alin sa dalawang ‘yon, wala. Wala na akong ipaglalaban at wala na rin akong hihintayin. Ang masakit pa nga dito, sa mismong taong ‘yon pa nanggaling ang mga salitang ‘yon. Hindi man niya sinabi sa’kin ng direkta, pero alam kong ‘yon naman din ang nais niyang iparating sa’kin, na ‘wag ko na ngang pahirapan pa ang sarili ko. Sino ba naman ang hindi madudurog ang puso sa mga salitang ito, ‘Okay na kami. Masaya na ako, sobra. Sana maging masaya ka na lang for me. Hindi man ikaw ang ‘cause ng mga tawa’t ngiti ko, pero sana enough na para sa’yo na makita ‘yon kasi gusto ko ring sumaya ka, at alam kong hindi ko ‘yon maibibigay sa’yo. I’m sorry.’ Sa puntong nabasa ko ang buong mensahe niyang ‘yon, hindi ko na halos alam kung ano nga ba talaga ang nararamdaman ko. Na para bang nagunaw ang buong mundo ko. Sa mga oras na ‘yon, itinanong ko sa sarili ko, ‘2012 na ba? End of the world na ba?’ OA, alam ko. Pero sa pusong nagmamahal ng totoo, siguro normal lang naman ang ganitong reaksyon.
Iba ang sinasabi ng utak ko na gawin ko, at iba rin ang sinasabi ng puso ko. Alin nga ba sa dalawa ang dapat na masunod? Alin nga ba sa dalawa ang dapat na sundin ko? ‘Yong utak ko na sinasabi sa’king, itigil ko na o ‘yong puso kong ibinubulong sa’king ipaglaban ko pa siya? Ang hirap magdesisyon lalo pa’t hindi mo alam kung anong pwedeng maging resulta sa bandang huli. I’m afraid to take the risks, sa totoo lang. May part sa’kin kasi na nagsasabing, kahit papaano, may chance pa. Pero may part din na nagsasabi sa’kin na, maging masaya na lang ako para sa kanya. Sa totoo lang, hindi naman ako naniniwala doon sa palagi nilang sinasabi na, ‘Kung talagang mahal mo siya, maging masaya ka para sa kanya kahit alam mong hindi ka parte ng kasiyahan na ‘yon.’ Ang sa’kin naman, mahal mo nga siya hindi ba, kaya bakit mo siya hahayaang mapunta na lang sa iba? Hindi naman sa pagiging maramot at makasarili, pero hindi naman din masamang isipin mo muna ang pansarili mong kasiyahan hindi ba? Hindi ko na alam kung anong mangyayari sa’kin at sa’min sa mga susunod na araw at hindi ko na rin alam kung paano ko haharapin ang bawat araw. Basta andito lang ako para sa kanya at hindi magbabago ang nararamdaman ko. Na kahit bukas o sa isang araw paggising niya, mahal ko pa rin siya.
TAGGED AS: rain rants Lumaban ka kapag alam mong may ipinaglalaban ka at maghintay ka kapag alam mong may hinihintay ka.





