‘Some things are worth fighting for, and some are not at all.’ Isa na siguro ito sa masasabi kong natutunan ko nitong mga nagdaang araw. Oo nga naman, may mga bagay talagang gagawin mo ang lahat para lang hindi ito mawala sa’yo at may mga bagay rin naman na hahayaan mo na lang, kahit mawala man ito. ‘Yan ang tinatawag na pagpapahalaga at pagbibigay importansya. Sadyang alam lang natin kung paano natin titimbangin ang mga bagay-bagay sa ating buhay. Masasabi kong, ganito ako. Kapag hindi ko kayang mawala sa buhay ko, ipaglalaban ko. At kapag alam kong kaya ko namang mabuhay na wala ang bagay o ang taong ‘yon, hahayaan ko na lang at ibibigay ko sa kanya ang kalayaan niyang gusto. Letting go is hard, but fighting for it is harder. Minsan kasi, hindi mo naman alam kung may ipinaglalaban ka pa. Minsan, ikaw na lang pala ang kumakapit, samantalang siya, matagal na palang binitawan ka.
Ngayong nagdaang linggo lang ay nagkaroon ako at ang isang kaibigan ng isang hindi magandang pagkakaintindihan. Palitan ng mga salita, batuhan ng mga akusasyon. Hanggang sa humantong ako sa desisyon na, siguro ito na nga ang katapusan ng kung anumang meron kami. Oo, masakit naman kung tutuusin. Kasi, isa na siguro siya sa mga masasabi kong pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao. Pero kahit masasabi kong, almost perfect na sa’min ang lahat, hindi pa rin kami nakatakas sa hindi pagkakaunawaan. Ganun naman siguro ang lahat, dumadaan sa mga ganitong punto sa buhay. Pampatibay ng samahan, kungbaga. Pero, may isang mali sa’kin sa mga oras na ‘yon, kasi ako nag-give up na. Madali talaga para sa’kin ang sumuko at ang isuko siya. Wala na akong balak lumaban, wala na akong balak pang ipaglaban. Para sa’kin, tapos na, hindi na kami magkaibigan. Hanggang sa ma-realize kong, oo nga pala, hindi ko man lang pinakinggan siya. Hindi ko man lang hinintay ‘yong mga sasabihin niya. Na there’s always 2 sides to every story. ‘Yong hindi ikaw lang ng ikaw, na minsan, kailangan mo ring makinig, na kailangan mo ring magbigay.
To make it short, nakapag-usap kami, nagkaayos. Pero hindi ko makakalimutan ‘yong sinabi niya sa’kin na sinabi sa kanya ng isang kaibigan, na kailangang niyang pag-isipan kasi, ‘Some things are worth fighting for and some are not at all.’ Na dapat alamin mo sa sarili mo kung gusto mo pa ba o hindi na, na kung kaya mo ba talagang mawala siya sa buhay mo o hahayaan mo na lang siya. Na kung ano nga ba talaga ako para sa kanya. Ngayon, masasabi kong we’re starting all over again. Ipinaglaban kasi namin ang isa’t isa. Ang hirap na atang makahanap ng mga totoong kaibigan sa panahon ngayon. ‘Yong hindi ka iiwan, ‘yong palaging andyan. ‘Yong thought naman ng punto ko sa sulat kong ito ay hindi lang naman naga-apply sa issue ng pagkakaibigan, kundi sa lahat ng bagay. Kahit na pagdating sa aspeto ng pag-ibig. If you really love someone, then fight for him/her. ‘Wag mong hayaang makuha lang siya ng iba ng ganun lang kadali kung talagang mahal mo siya. Give that person a good and fair fight, para malaman din talaga kung deserving nga ba kayo sa pagmamahal niya. Alam nating lahat na mahirap ipaglaban ang isang bagay lalo na kung hindi mo alam kung anong kinalulugaran mo. Pero always remember that, whenever you fight for something or for someone, hindi mo lang pinatutunayan sa kanya na importante at mahalaga siya, kundi, mas pinatutunayan mo sa sarili mong karapat-dapat ka.
TAGGED AS: rain rants kristofferawr Some things are worth fighting for and some are not at all.





