Tatlumpung Araw ng Pananagalog: Ikalimang Araw - Ang Paborito Mong Pasyalan.
Lugar na Maraming Puno. Ako kasi yung tao na sa likod man ng kaingayan kong nakikita at naririnig niyo, humahanap pa rin ako ng oras at lugar para sa sarili ko. At sa lugar na maraming puno ko nahahanap ‘yun. Nabanggit ko noon sa unang araw ko ng Pananagalog na paborito kong kulay ang luntian (Green). Nabanggit ko rin na paborito kong pinagmamasdan ang mga puno at ang buong kabuuan ng kalikasan. Kaya ‘pag gusto ko ng katahimikan para sa damdamin at pag-iisip ko, pupunta ako sa lugar na maraming puno. Sa lugar na nakakabingi ang katahimikan. Sa lugar kung saan huni ng mga ibon at kulisap ang maririnig ko. Minsan nga, umuuwi ako sa Cavite para dun ako magpalipas. Para makapag-isip. Para malinawan at para ipanatag ang magulo kong damdamin at pag-iisip. Pero kung hindi man ako makauwi ng Cavite, lumalabas lang ako ng bahay at pagmamasdan ko ang mga puno at halaman na nakapaligid sa amin. Hindi man halata sa akin, pero isa akong taong malapit sa kalikasan. Minsan nga dumadating ako sa punto na para bang nakakausap ko sila. Ganun lang naman ‘yan, buhay nila tayo at buhay natin sila.
Tatlumpung Araw ng Pananagalog: Ikaapat na Araw - Ang Paborito Mong Parke.
EDSA Shrine. Sino nga bang hindi nakakaalam sa lugar na ito? Ang lugar kung saan isinilang ang ating Demokrasya. Ang lugar kung saan ipinakita nating mga Pilipino ang pagkakaisa para maibalik ang isang bagay na nawala sa atin noon. Ito ang siyang piping-saksi sa sa sigawan, sa iyakan, sa pagdarasal, at sa paghiling sa poong maykapal na sana, muling maibalik sa atin ang kalayaang kinuha sa atin. Sa tuwing magagawi ako sa lugar na ito, naiisip ko na pano kaya kung buhay na ako noong mga panahon na ‘yun? Ano kayang pakiramdam ng lumalaban para maibalik ang Demokrasya ng ating bansa? Ano kayang pakiramdam nung napagtagumpayan mo ang labang ito? Nakakinggit mang isipin, pero magiging tatak na lang ito sa ating nakaraan. Nakaraan na paulit-ulit nating dapat balikan.
Tatlumpung Araw ng Pananagalog: Ikalawang Araw - Ang Paborito Mong Pagkaing Pilipino.
Sinigang. Sino ba namang hindi may alam sa pagkaing Pilipino na ito. Sigurado akong katulad ko, isa rin sa paborito niyong ulam ito. Sa tuwing itong ulam na ito ang inihahanda sa aming hapag, ibang tuwa ang nadarama ko. Napapasarap at napaparami talaga ang kain ko. Inihahalintulad ko kasi ang Sinigang sa buhay. Ito ay kumpleto. Sa sahog, sa lasa, sa amoy at sa itsura. May gulay, may sabaw at syempre ang bida. Pwedeng baboy, manok, baka, isda o hipon. Sa itsura at amoy naman nito, hindi ba’t kaaya-ayang kainin ang isang pagkain na sa paningin palang masarap na. Sabi rin nila, isa sa nakakaapekto sa gana natin sa pagkain ‘pag masarap ito sa ating mga pang-amoy. At syempre ang lasa. Hindi ba’t may asim, alat, tamis at anghang ang sinigang na naglalaban-laban sa oras na isubo mo ito sa bibig mo. Katulad ng buhay, minsan may asim, may alat, may anghang at may tamis. Katulad din ng Sinigang, nasa sa’yo na lang ‘yun kung pano mo babalansehin ang lahat ng ito.
TUMBLR RADAR.

Since @pinoytumblr reblogged one of my posts, there, I was included sa Tumblr Radar. Kaninang madaling-araw ito. At first I was like, ‘Whoa. Really?!’ But then I was, ‘Oh OK. Haha.’ It was only a Tumblr Radar. Oh well, thanks. Back to your normal life Rain.

09 Jul 2010 @ 03:34PM /
0 notes TAGGED AS:
amateurdreamer Tumblr Radar
TIPS PARA MAPANSIN KA NG CRUSH MO.
- IMPRESSION - Mas mahirap kang mapansin kung ikaw ay pangit, kaya dapat lagi kang mag-paimpres sa crush mo, tulad ng pagsusuot ng matino, dapat laging maliligo at magto-toothbrush, ayaw ng mga babae na madilaw ang ngipin at mabaho ang hininga. Hindi ka din dapat naghuhubad sa labas o sa harap ng maraming tao kasi ‘yun ang pinakaayaw ng babae.
- CHARMING - Dapat din maging mabait ka, kahit pa pangit ka basta’t mabait at matulungin sa ibang tao, siguradong mapapansin ka ng crush mo. Dapat ka ding maging mahinahon o hindi madaling magalit kasi ‘yun ang pinakaayaw ng babae pati ang pagiging mayabang. Hindi mo kailangan maging mayaman para magawa mo ‘yan. Ang dapat mo lang gawin ay tumulong hanggang sa makakaya mo. Hindi ka rin dapat naninigarilyo. Ayaw ng mga babae sa lalaking nagsisigarilyo o nagda-drugs at laging lasing at pala-away. Talagang matuturn-off ang mga babae dun.
- CONVERSATION - Kung galit ang crush mo sa’yo, gawin mo muna ang STEP # 1 & 2. Kung siya naman ay hindi galit sa’yo, mas maganda, sa tuwing mag-uusap kayo dapat titigan mo siya sa kanyang mga mata na para bang nag-uusap ang mga mata niyo o hini-hypnotize mo siya. Dapat lagi mo din siyang kakausapin pati rin ang mga kaibigan niya. Magpa-impres ka din sa mga kaibigan niya para mahikayat ang crush mo na lalo ka niyang kausapin.
- SACRIFICE - Kung ang crush niyo naman ay masyadong makulit o pasaway o hindi ka pinapansin at laging kang pinapahiya, konting pasensya lang. Lagi mo lang gawin ang mga step na ito ng paulit-ulit hanggang sa ma-realize niya na pwede ka rin sa kanya.
Source

05 Jul 2010 @ 10:50PM /
93 notes TAGGED AS:
amateurdreamer
TIPS SA PANLILIGAW NG BABAE.
- ‘Wag manyak.
- ‘Wag mag-feeling na kayo na.
- Be a gentleman.
- Surprise mo siya palagi. Let’s say, flowers for no reason. Girls love surprises lalo na yung may effort.
- Accept her for who she is as a whole kahit na haggard siya or pangit siya nung araw na ‘yun. Make her feel na you love her pa rin.
- Be yourself palagi.
- Be consistent.
- ‘Wag demanding.
- Do what you say. For example, Sinabi mo na, ‘I’ll call you later.’, kahit anong mangyari, kahit ‘di ka nagpromise, you’ll call her later.
- Manligaw ka dun sa bahay nila.
- Befriend her parents, bothers, sisters, cousins at lahat ng pamilya niya.
- Befriend her friends din. Yung hindi plastic.
- Read the Bible. Share-an mo siya. Girls love God-fearing people, saka someone na pwede silang mag-grow with kay God. Hindi pakitang-tao ang pagiging maka-Diyos ha. Yung bukal sa loob.
- If you really love her, it will show. ‘Yun lang. Just express it without asking anything in return. Ewan ko na lang kung ‘di pa ‘yun ma-inlove sa’yo.
Source

05 Jul 2010 @ 10:32PM /
242 notes TAGGED AS:
amateurdreamer
If someone would ask me what a beautiful life means, I would lean my head on your shoulder, hold you close to me and answer with a smile, “Like this”.

05 Jul 2010 @ 09:13PM /
48 notes TAGGED AS:
amateurdreamer