Why complicate life?

Missing someone? Call.

Want to meet up? Invite.

Want to be understood? Explain.

Have questions? Ask.

Don’t like something? Say it.

Like something? State it.

Want something? Ask for it.

Love someone? Tell it.

Huwag kang magtampo sa taong nakatulog habang katext ka. Mas maganda na ‘yon, kaysa sa taong nag-good night na sa’yo para lang makatext ang iba. 

Ang tunay na nagmamahal, mamahalin ka kahit anong mangyari. Hindi ‘yong iiwan ka, kapag walang nangyari. 

Ang puso ay parang paa. Habang tumatagal, ito napapagod, nangangalay, at dumadating sa puntong, namamanhid.

Hindi naman kailangan maging perpekto ang pagmamahal. Ang kailangan lang ay ‘yong maging totoo ito.

Kapag ipinipilit mo ang sarili mo sa isang taong ayaw sa’yo, para kang namamangka sa kalsada. Hindi ka na nga umuusad, mukha ka pang tanga.  

Mahirap kapag binabalewala ka lang ng taong mahal mo. Pero mas mahirap ang magpanggap na parang okay lang ‘yon sa’yo. 

Ang effort ay ipinapakita bago pumasok sa isang relasyon at habang nasa isang relasyon. Hindi ‘yong kung kailan wala na kayo at tapos na ang lahat sa inyo. 

Ang pagmamahal ay parang inuman. Kahit gaano ka pa kasaya sa umpisa, matatapos din ang lahat sa mga salitang, “Hindi ko na kaya.”

May dalawang bagay na nakakasakit sa puso ng isang tao: mga panahon na sana ay wala nang katapusan, at mga panahon na sana ay hindi na lang nasimulan.

Minsan, kung sino pa ‘yong taong gustong-gusto mong maging sa’yo, siya pa ‘yong ipinagdadamot sa’yo ng mundo.

Sabi nila, kapag wala na ‘yong taong mahal mo, move on. Pero, paano ka nga ba magpapaalam sa isang taong minsang nangako sa’yo na kahit kailan ay hindi ka iiwan