‘Some things are worth fighting for, and some are not at all.’ Isa na siguro ito sa masasabi kong natutunan ko nitong mga nagdaang araw. Oo nga naman, may mga bagay talagang gagawin mo ang lahat para lang hindi ito mawala sa’yo at may mga bagay rin naman na hahayaan mo na lang, kahit mawala man ito. ‘Yan ang tinatawag na pagpapahalaga at pagbibigay importansya. Sadyang alam lang natin kung paano natin titimbangin ang mga bagay-bagay sa ating buhay. Masasabi kong, ganito ako. Kapag hindi ko kayang mawala sa buhay ko, ipaglalaban ko. At kapag alam kong kaya ko namang mabuhay na wala ang bagay o ang taong ‘yon, hahayaan ko na lang at ibibigay ko sa kanya ang kalayaan niyang gusto. Letting go is hard, but fighting for it is harder. Minsan kasi, hindi mo naman alam kung may ipinaglalaban ka pa. Minsan, ikaw na lang pala ang kumakapit, samantalang siya, matagal na palang binitawan ka.

Ngayong nagdaang linggo lang ay nagkaroon ako at ang isang kaibigan ng isang hindi magandang pagkakaintindihan. Palitan ng mga salita, batuhan ng mga akusasyon. Hanggang sa humantong ako sa desisyon na, siguro ito na nga ang katapusan ng kung anumang meron kami. Oo, masakit naman kung tutuusin. Kasi, isa na siguro siya sa mga masasabi kong pinaka-pinagkakatiwalaan kong tao. Pero kahit masasabi kong, almost perfect na sa’min ang lahat, hindi pa rin kami nakatakas sa hindi pagkakaunawaan. Ganun naman siguro ang lahat, dumadaan sa mga ganitong punto sa buhay. Pampatibay ng samahan, kungbaga. Pero, may isang mali sa’kin sa mga oras na ‘yon, kasi ako nag-give up na. Madali talaga para sa’kin ang sumuko at ang isuko siya. Wala na akong balak lumaban, wala na akong balak pang ipaglaban. Para sa’kin, tapos na, hindi na kami magkaibigan. Hanggang sa ma-realize kong, oo nga pala, hindi ko man lang pinakinggan siya. Hindi ko man lang hinintay ‘yong mga sasabihin niya. Na there’s always 2 sides to every story. ‘Yong hindi ikaw lang ng ikaw, na minsan, kailangan mo ring makinig, na kailangan mo ring magbigay. 

To make it short, nakapag-usap kami, nagkaayos. Pero hindi ko makakalimutan ‘yong sinabi niya sa’kin na sinabi sa kanya ng isang kaibigan, na kailangang niyang pag-isipan kasi, ‘Some things are worth fighting for and some are not at all.’ Na dapat alamin mo sa sarili mo kung gusto mo pa ba o hindi na, na kung kaya mo ba talagang mawala siya sa buhay mo o hahayaan mo na lang siya. Na kung ano nga ba talaga ako para sa kanya. Ngayon, masasabi kong we’re starting all over again. Ipinaglaban kasi namin ang isa’t isa. Ang hirap na atang makahanap ng mga totoong kaibigan sa panahon ngayon. ‘Yong hindi ka iiwan, ‘yong palaging andyan. ‘Yong thought naman ng punto ko sa sulat kong ito ay hindi lang naman naga-apply sa issue ng pagkakaibigan, kundi sa lahat ng bagay. Kahit na pagdating sa aspeto ng pag-ibig. If you really love someone, then fight for him/her. ‘Wag mong hayaang makuha lang siya ng iba ng ganun lang kadali kung talagang mahal mo siya. Give that person a good and fair fight, para malaman din talaga kung deserving nga ba kayo sa pagmamahal niya. Alam nating lahat na mahirap ipaglaban ang isang bagay lalo na kung hindi mo alam kung anong kinalulugaran mo. Pero always remember that, whenever you fight for something or for someone, hindi mo lang pinatutunayan sa kanya na importante at mahalaga siya, kundi, mas pinatutunayan mo sa sarili mong karapat-dapat ka. 

Someone’s here tonight. Lol. Ang #1 fan ko sa game ko tomar~ (Championship game ‘yon, bitches.)

Someone’s here tonight. Lol. Ang #1 fan ko sa game ko tomar~ (Championship game ‘yon, bitches.)

HAPPY 19TH BIRTHDAY KRIS FLORES! 

There, I said it. Everyone, it’s Kris’s birthday today (120511). Nabati niyo na ba siya? Well, kung hindi pa, pakibati na po siya (TA him if you’re following him, tweet him or post on his wall). Kundi, lagot kayo sa’kin. Just kidding. I’m sorry pero kasi, I love birthdays. Hindi mo ako mapipigilan kahit ‘Grinch’ ka sa mismong birthday mo. ‘Eto na naman ako, hindi ko na naman alam ‘yong mga sasabihin ko dito sa birthday/appreciation post ko. Pwede bang, ‘ALAM MO NA ‘YON.’, ganyan na lang? Actually, hindi ako makakita ng maayos na picture nating dalawa, parang wala nga ata. Masyado tayong mailap sa camera, ‘yan lang ‘yong nahanap ko, na masasabi kong pinakamaayos nating picture (Sorry Maica for your unnecessary presence). 

6 months, 6 months of great friendship. 6 months palang pala ‘no? Pero bakit parang ang tagal-tagal na nating magkakilala? Kasi kung titingnan mo, palagi naman tayong nagkikita sa mga meet-ups noon, nagha-hi and hello naman tayo sa isa’t isa pero bakit nung June lang tayo naging friends talaga? Well, sabi mo nga, natatakot ka kasi sa’kin sa hindi ko alam na kadahilanan. Naaalala ko nga na sa tuwing magkikita tayo, yung mga mata mo ang palaging napapansin ko. Sana pala naging mata ka na lang ‘no? Sa White Day 2011 at sa EK, ‘yon ‘yong masasabi kong meet-ups na nakasama kita pero hindi pa tayo friends talaga, parang civil lang. Teka, ano ba mas nauna, Gateway meet-up o ‘yong Volet’s? Kung ‘yong Volet’s, wala akong matandaang masyadong bonding natin ‘nun maliban sa nagpe-pep routines tayo. Busy ka kasi nung mga panahon na ‘yon na ayusin ‘yong mga ‘Issues’ mo that time. Tapos nung Gateway naman, remember that famous question na itinatanong ko sa’yo? ‘PERO, OKAY KA LANG TALAGA?’, ‘yon talaga yung moment na masasabi kong pinagsimulan ng lahat. 

Ang weird kasi, nagka-exchange tayo ng cellphone #’s noon sa Volet’s pero hindi tayo nagtetxt-an. Hanggang dumating ang June 2011. Bigla kang nagtext ng ‘Hi Rain.’ Actually, nakakagulat. Nasabi ko that time, ‘Oh, ba’t kaya nagtext ‘to?’ Ito ‘yong araw na may comprehensive exam ako tapos may game ang AdU sa Araneta. Ito ‘yong day na inaasar kitang andoon din ako, tapos pinuntahan mo ako sa lugar na ‘yon pero wala naman talaga ako doon. Actually, dito tayo talaga nag-umpisang maging close. Walang katapusang texts, phone calls, at kung ano-ano pa. Then HP meet-up, ‘yon ang first na masasabi kong magkasama tayo na friends na tayo talaga. Napagalitan pa tayo ni Pat (@ohpatrick) kasi ang tagal nating bumili ng food na kakainin natin sa loob ng moviehouse. Alala mo ‘tong picture na ‘to? Hindi ko alam kung bakit naging ganyan ang itsura natin dyan at hindi ko alam kung bakit mo paborito ‘yan. Mukha tayong, ugh. Okay, nevermind. 

Anyways, tama na sa mga meet-ups at kung ano-ano pa. Serious na tayo sa part na ‘to. Nga pala, congratulations dahil ikaw ang pinakaunang Tumblrista na nakapunta dito sa bahay. Extension na nga ito ng dorm mo diba? Well, bukas naman ang bahay kahit kailan mo gustong pumunta dito. Ang dami na pala nating pinagsamahan ‘no? Sa loob ng 6 months, ang dami nang nangyari at marami na rin tayong nagawa. See, sabi ko sa’yo, ang random ko lang. Hindi ko alam kung ano ‘yong mga sasabihin ko kaya halo-halo sila. Kung ano ‘yong maisip ko, ‘yon ang isusulat ko. Alala mo ‘yong Ang babae sa Septic Tank at FD5 natin? Tsk. Grabe ka lang sa loob ng sinehan sa FD5. Teka, kamusta na nga pala ang pagta-Tagalog mo? Ako nga pala ang teacher mo ‘no? At ikaw naman ang teacher ko pagdating sa English grammar. Kamusta naman ang pepmates mong ginagamit mo ako bilang Tito mo kapag ayaw mong sumama sa kanila? Ang galing lang nating magpanggap at magsinungaling. Teka, naiintindihan mo kaya lahat ng Tagalog words na ginagamit ko dito sa letter ko for you? Sana. 

Read More

Kris Flores
LOOK WHO’S HERE TO CELEBRATE WITH ME. (:

LOOK WHO’S HERE TO CELEBRATE WITH ME. (:

Alam mo naman na busy ako diba? Alam mo na yung mga reasons. Kaya eto ako, ngayon lang gagawa ng birthday slash appreciation post for you.

The amateurdreamer - Isang blogger na never kong inisip na magiging close ko. Shempre famous. Sino ako para kausapin niya? Lol. Nung una natatarayan ako sa’yo. Alam mo na kung bakit. HAHAHA. CHAROT. Nung nagbonding tayo sa KFC nung Gateway meetup, nakilala kita at nasabi kong ang bait ng taong ‘to. Yung tumatak sa isip ko yung tanong mong “Pero ok ka lang talaga?” HAHAHAHA. Tse.

Tito Rain - Ito palusot ko sa mga seniors ko tuwing ayaw ko magtraining, “Yung tito ko po kasi, pinapauwi ako” sabay magpapatext ako sa’yo ng “TEXT MO KO NA GALIT NA GALIT KA AT PINAPAUWI MO KO KUNYARI!” Effective, ‘teh! HAHAHA. Isa ka sa mga Kuya ng buhay ko. Isa out of a few. Pag meron akong gustong ikwento, sa’yo lang ako komportable magkwento. No matter how creepy, weird, or private it may be, daldal lang ako ng daldal. At ikaw naman si kinig ng kinig.

Sir Rain - Sa’yo ako tumatakbo pag nasstress ako at pag magpapaturo ako sa Tagalog 101 class mo. Sa’yo ako humihingi ng advice kasi alam kong intellectual ang mga sinasabi mo. Mas lalo na yung mga Filipino terms na never kong narinig sa buong buhay ko, ikaw ang laging andiyan - Ang Walking Filipino English dictionary ko. Minsan weird rin sa akin pag naglalakwatsa tayo tapos may nasasalubong tayong student mo at kakaway sa’yo, “Hi, Sir Rain!”. Tapos maalala ko na lang bigla, “Professor nga pala kasama ko.” Pag nagsalita si Rain, tahimik ang buong barangay. Nakikinig sa mga sasabihin niyang nakaka mind fuck. Kahit narinig mo na dati sa ibang tao, iba parin ang effect pag narinig mo sa kanya. Talagang tatatak sa isip mo.

Doctor Rain - Kahit ‘di ka pa doctor, sa’yo ako nagpapacheck up sa text. “Rain, ang sakit ng balikat ko. Ano gagawin ko?”. Kahit sa sakit ng puso. Laging may mga advice na nakahanda pag alam mo yung nararamdaman ko tungkol sa pagibig. Gusto ko si..sig. CHAROT LANG YAN. NAKAMOVE ON NA AKO, DIBA? WAG UMANGAL. Memories lang yan. Excited ako sa araw na ikaw magooperate ng laser laser chuchu sa mata ko. Wag naman sana FD5 ang mangyayari.

Rain - Ang taong ‘di mo pwedeng tanggihan. Ang taong mababaw ang kaligayahan kaya sa kanya ako nagsasabi ng mga jokes at mga corny ideas ko tuwing magvvisualize ako ng mga pangyayari. Future roommate ko na guguluhin ko ang bedsheets niya tuwing umaga. Future roommate ko na pag nagaaral siya para sa mga exams niya, andun ako sa likod sumasayaw at nagiingay. Ang taong pwede mong takbuhan kahit anong oras. He’s just a text away. Pag kailangan mo ng kausap, tatawag agad siya. Kahit paulit-ulit mga kwento niya, naeenjoy mo parin ang pagkwento niya dahil sa itsura niya. Charot. Ang taong makikita mo agad kahit maraming tao sa mall dahil sa kaputian niya, which, by the way, he is proud of. Isang oras mahigit maliligo yan para kumintab siya ng kumintab. Ang taong pwede mong sabihan ng kahit ano. Ang taong masarap asarin. ULUL! Ang taong kahit marami na naabot sa buhay, humble parin. Ang taong may positive aura pag kasama ang barkada. 

Isa kang taong lagi nagbibigay para sa kasiyahan ng mga kaibigan mo. Kaya nung birthday mo, pinilit kitang lumabas tayo kasama ang barkada. I wanted to make you feel special on your 24th birthday because you deserve to be. It isn’t everyday that you turn 24 but still remain FABULOUS. Oha oha!

I look forward to the years na nalulunod ako habang tulog kasi bumabaha ang kwarto dahil sa naglalaway ka at nageearthquake sa kwarto dahil humihilik ako. I look forward to the sabaw moments, tawanan, mga predicting the future moments natin, at mga asaran.

Ang dami dami kong sinasabi. Sana kahit papaano, you feel better inside, that you are a friend who deserves to be happy everyday. That someone like you.. I wish nothing but the best for you, too. Lolwhat. Andito ako, andito kaming lahat para sa’yo. Wag mong kalimutan ‘yan. I’m a text away. BELATED HAPPY BIRTHDAY!

Ang swerte ko lang dahil may nakilala akong Rain Malicsi. Nagpapasalamat ako sa Diyos dahil kaibigan ko siya. A blessing from above siya para sa akin.

Thank you, Rain Malicsi. I love you. (:

P.S Hindi ko papalitan yung picture kahit ayaw mo diyan. Wala kasi tayong matinong picture e. Charot.

(via kristofferawr)

BAKIT ITONG PICTURE NA ITO?! HAHAHA~ Para lang tayong tanga. Anobaaaa. Wala na akong masabi eh. SALAMAT? Enough na ba ‘yun? Nasabi ko naman sa’yo lahat ng dapat kong sabihin, alam mo na ‘yun. Basta, THANK YOU. Nung nabasa ko ‘to, kulang na lang sumigaw ako, sa tuwa at galak. LOL Inisa-isa mo pa talaga ah. Tawag ‘yan sa’kin ni Kris lahat. Tito Rain, Doctor Rain, Rain etc. Araw-araw naman tayong magkausap, at alam mo na rin naman yung mga palagi kong sinasabi ko sa’yo. Thanks Kris, thanks for everything. Thanks for coming into my life

PS: Ay, wala pala. Para lang may PS ako kunwari. HAHAHA~

OHAI~ Look who’s staying again with me tonight. HRHRHR~ 
TriNoma: Dinner - Final Destination 5 (OSAM~ movie) - Sky Garden - Home. 

OHAI~ Look who’s staying again with me tonight. HRHRHR~ 

TriNoma: Dinner - Final Destination 5 (OSAM~ movie) - Sky Garden - Home.